Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ahron Villena
Ahron Villena

Ahron Villena, game magpaka-daring sa BL serye o pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

WALA raw kaso sa guwapitong actor na si Ahron Villena ang sumabak sa BL serye o pelikula.

Uso ngayon ito, pati na ang mga sexy movies sa online streaming sites. Katunayan, normal na lang na makita nating nakabalandara ang boobs o puwet ng mga sikat nating artista ngayon. Actually, pati frontal ay napapadalas na rin sa mga streaming sites na ito.

Anyway sa aming tsikahan sa FB ay nabanggit ni Ahron na game siya sa mga ganitong tema ng pelikula or TV show.

“Wala naman pong problema kung may offer na ganyan, as long as gusto ko iyong kuwento at maayos ang director nito,” wika ni Ahron.

Kung sakali, hanggang saan ang limitations niya?

Paliwanag niya, “Well, kaya ko naman kahit ano, basta alam ko na maganda at para sa ikakaganda ng istorya iyong gagawin ko. Mararamdaman ko naman iyon, kasi may iba po na gusto na ganito, ganyan… pero hindi naman need talaga sa pelikula.

“Kaya ang ending, iyong mga taong nakapalibot, sila iyong mga natutuwa, hahaha!”

Dagdag pa ni Ahron, “Ayaw ko iyong feeling ko na na-exploit ako, kasi na-experience ko na iyan sa isang direktor at ayaw ko nang maulit.”

Anyway, bukod sa pag-arte at pagiging product endorser, pumasok din sa pagnenegosyo ang tisoy na aktor.

Bakit niya naisipang mag-business ng Palamis sa Mangan-Tila Pigar-Pigar?

Esplika ni Ahron, “Well, nag-offer po iyong owner na mag-invest kami… then dessert iyong wala sila, so, naisip kong, ‘Sige’. Tutal mahilig naman ako talaga sa dessert.”

Ano ang best seller nila? Iyong Daks na scramble, marami na ba siyang suki, marami ang naghahanap?

Paliwanag ng actor, “Ang best seller po talaga namin is iyong Daks at Semi daks iskrambol namin, kasi maraming naka-miss po talaga rito, iyon yung main namin. Then, nag-add na lang kami ng iba like turon con sorbets, which is second best seller namin.”

Dagdag pa niya, “Next month po, we are planning na mag-add ng halo-halo at banana con churros. Mag-food tasting muna kami nito para masigurado namin na maayos at masarap iyong mao-offer namin sa aming customers.”

Nabanggit din niyang kapag walang work ay madalas siya sa kanilang store para tumulong din.

“Opo madalas ako sa store lalo na kapag wala akong taping. So, as much as possible po pumupunta ako before closing, kaya makikita nila ako roomn. Pero kapag may bulk orders po, mas early po ako, kasi tinutulungan namin iyong tao namin.”

Nang na-interview ko last June si Jervy delos Reyes, nabanggit niyang kasosyo niya raw si Kirst Viray sa Mangan Tila Pigar Pigar, iba ba ito sa kanyang business ngayon?

Sagot ni Ahron, “Well, ayun nga po, nag-invest kami… so part owner na rin po ako ng Mangan Tila… pero iyong dessert area lang po ang hawak ko.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …