Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Axel Torres, AJ Raval, Sean de Guzman
Axel Torres, AJ Raval, Sean de Guzman

Sean dahilan ng hiwalayang AJ at Axel

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

CAREER at si Sean de Guzman ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni AJ Raval sa kanyang boyfriend na si Axel Torres.

Ito ang inamin ni AJ sa isinagawang digital media conference ng Viva para sa pelikulang Taya na pinagbibidahan nila ni Sean at mapapanood na sa August 27 na idinirehe ni Roman Perez Jr..

Ani AJ, ayaw ng kanyang boyfriend ang ginagawa niyang pagpapa-sexy.

“To be honest po, marami kaming naging problema sa career namin kaya nag-end po ng maaga ‘yung relationship namin,” panimula ni AJ. ”Hindi po ako magsisinungaling. Hindi po ako magpapakitang-tao. ‘Yun po ang pinaka-reason,” sambit ng anak ni Jeric Raval.

Giit ni AJ, pinili niya ang kanyang career kaysa lovelife. ”Gusto ko pong ipagpatuloy ‘yung karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa love life.

Hindi rin itinanggi ni AJ kasama rin si Sean sa rason ng kanilang hiwalayan. Pinagseselosan kasi si Sean ni Axel.

“Hindi na po ako magsisinungaling, pero kasali na rin po si Sean. Pinagselosan po si Sean. Ayaw din po talaga niya ng karera ko ngayon. Ayaw po niya akong magpaseksi, which is naiintindihan ko naman siya sa part niya.

“Pero kung susugal man ako sa pag-ibig, talo naman po ako sa karera. Pero kung susugal naman po ako sa karera, panalo pa rin ako. Naiintindihan ko naman po siya sa part niya kasi pumasok po ako sa relasyon na hindi pa ako nag-aartista. Napaka-conservative ko pong babae hanggang sa nag-artista po ako. Parang doon po ako nag-start magpaseksi.

“So naiintindihan ko po siya sa part na hindi niya ako ganoon kakilala kaya hindi niya po matanggap na ganito ang career ko,” paliwanag ng dalaga.

Ang Taya ay isang makamundong pagnanasa at hindi oridnaryong sexy movie. Ito isang psychedelic erotic thriller na mapangahas sa mga sexy scene. Tiyak na mae-excite ang viewers sa mga plot twist na puno ng suspense. 

Ito ay ukol kay Sixto (Sean), isang Journalism student na nakadiskubre na ang babaeng lagi niyang pinagpapantasyahan ay isa sa mga premyo sa isang online “ending” na laro. Agad siyang tumaya at masuwerte siyang nanalo sa laro. Ngunit dahil nagkamali siya sa pagtaya, hindi niya napansin na ibang babae ang kanyang natayaan; si Nanette (AJ). Pagkatapos ng ilang sexual encounters, naadik si Sixto kay Nanette at nangako na babawiin siya sa sindikatong may hawak sa kanya na ang tingin lang sa kanya ay isang premyo na pagkakakitaan.

Kaya naman humanda nang isugal ang lahat ‘pag pinanood niyo ang Taya sa August 27, streaming sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at VIVAMAX. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …