MA at PA
ni Rommel Placente
PROUD na ipinost ni Billy Crawford sa kanyang Instagram account ang larawan ng asawang si Coleen Garcia habang nagpapa-breastfeed sa kanilang anak na si Amari.
Sambit ni Billy, grabe ang sakripisyo ni Coleen sa kanilang panganay.
Aniya, gusto niyang makita ni Amari paglaki ang mga larawan ng kanyang mommy habang pinapadede siya.
Nagsabong naman ang mga netizen sa pag-post ni Billy sa larawan ni Coleen.
Ayon sa isang netizen, dapat ay walang nakakakita ng larawang ito maliban kay Billy at sa anak na si Amari. Sambit pa ng isa, para umanong ginawang vulnerable si Coleen sa mga manyak sa internet.
Napasabi at napatanong naman ang isa ng, ‘why, just why?!’
Paglilinaw ng isa, ang breastfeeding ay normal, ngunit ang pagkuha ng larawan ang hindi.
Pagtatanggol naman ng isang netizen, kasalukuyan siyang nagpapa-breastfeed at kung i-post man ito ng kanyang asawa ay maa-appreciate niya iyon.
Ganoon din ang komento ng isa, na kasalukuyan din itong nagbe-breastfeed at kung i-post ng asawa niya ay okay lang din sa kanya. Basta hindi lang kita ang kanyang boobs.
Kanyang-kanyang opinyon ang mga netizen, ‘di ba?