Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Alex Jazz, Calix
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Alex Jazz, Calix

Dennis full support sa bday ng anak ni Jen

HATAWAN
ni Ed de Leon

TEENAGER na pala ang anak nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Bale 13 years old na pala si Alex Jazz. Masaya naman ang naging celebration niyong bata kasama ang nanay niyang si Jen, ang boyfriend niyon ngayong si Dennis Trillo at anak nito sa dating girlfriend na si Carlene Aguilar, si Calix.

Marami ang pumuna na wala ang tatay ng bata, si Patrick. Pero maski naman noong mga nakaraang panahon, nakakasama naman ni Patrick ang kanyang anak, hindi nga lang siya sumasabay sa mga okasyon. Siguro nga para sa kanya, hindi naman iyong okasyon ang mahalaga kundi iyong nagkakasama sila.

Isa pa, kapapanganak lang ng asawa niyang si Nikka at ang isinilang niyon ay ang unang anak nilang lalaki matapos ang tatlong babaeng nauna. Siguro nga nababaling ang atensiyon ni Patrick sa kanyang bunsong pinangalanan nilang Enrique Pablo.

Isa pa umiiwas na rin siguro si Patrick na masabing pumapapel pa siya eh, nandoon na si Dennis.

Napakahirap nga ng ganyang sitwasyon. Hindi mo nga masasabing magka-away sina Jen at Patrick pero hindi naman natin maikakaila na nagkaroon ng problema nang magbuntis noon si Jennylyn. Tumanggi nga kasi si Patrick na masyadong bata pa naman noon na magpakasal kay Jen, kahit nasa city hall na sila ng Makati para pakasal sa huwes.

Nahalata raw kasi ng judge na parang hindi pa decided talaga si Patrick kaya pinayuhan silang ipagpaliban na muna ang pagpapakasal. Medyo ok na naman ang kanilang kasunduan na may kinalaman kay Jazz, pero siyempre ang isa’t isa ay umiiwas muna na mas magkaroon pa ng friction.

Mukhang wala namang problema iyong bata dahil tanggap na noon na parang tumatayong tatay na niya si Dennis. Kung matutuluyan ngang magpakasal sina Dennis at Jen, naroroon ang posibilidad na i-adopt na legally ni Dennis si Jazz. Maaari ring i-adopt ni Jen legally si Calix, para ang dalawang bata ay hindi magkaroon ng problema sa kanilang mamanahin mula sa kanilang mga magulang pagdating ng araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …