MATABIL
ni John Fontanilla
SUPORTADO ni Kim Rodriguez ang pamangking si Francis Grey sa pagpasok nito sa showbiz.
Si Francis ay ang Mr Pogi 2019Jake Vargas finalist ng Samar at kahit hindi pinalad na Manalo, masuwerte namang napiling magbida sa Nang Dumating si Joey ng Blankpage Productions at ni Bong Diacosta na idinirehe ni Arlyn Dela Cruz.
Nabigla si Kim nang mapanood si Francis na kung ilarawan nito ay tahimik at ‘di niya inakala na papasukin ang magulong mundo ng showbiz.
Proud tita si Kim dahil bida na si Francis. Handa ring sumuporta si Kim sa lahat ng magiging proyekto ng baguhang aktor at sinabihang maging mabait, professional, at galingan sa bawat proyektong darating.