Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

30,000 covid-19 cases kada araw — DOH

NAGBABALA si Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na maaaring umabot sa 30,000 kada araw ang kaso ng CoVid-19 sa bansa kapag hindi nagpatupad ng mas mahigpit na patakaran ang pamahalaan gaya ng prevent-detect-isolate-treat-reintegrate approach.

“Nakatatakot kapag walang ginawa, aabot ang projection na ‘yan,” ayon kay Vega sa panayam kahapon sa DZBB.

Ang muling pagsirit ng CoVid-19 cases ay maaari aniyang ‘tip of the iceberg’ lamang dahil limitado ang kakayahan sa bansa na ma-detect ang Delta variant.

Lomobo sa mahigit 8,000 ang kaso ng CoVid-19 sa bansa sa nakalipas na dalawang araw at ang Delta variant cases ay tumataas sa Metro Manila, Region 1, Region 4A, Region 6, Region 7, at Region 10.

“Itong pag-sequence ng Delta virus, hindi naman lahat ng positive RT-PCR kundi kaunti lang. Tingin namin baka nasa ‘tip of the iceberg’ ang nakikita natin. Kailangan natin gumawa ng hakbang. Kung hindi natin makontrol ang transmission maka­hahawa talaga,” giit ni Vega.

Karamihan aniya sa 216 sequenced Delta variant cases ay mula sa Metro Manila.

Sinabi ni Vega, nangako ang Israeli experts na tutulong sa Filipinas sa pagtugon sa CoVid-19 ngunit hindi malinaw kung kasama rito ang bakuna. 

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …