Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic Sotto Tito Sotto
Vic Sotto Tito Sotto

Vic nagbigay ng 100 % support sa pagtakbo ni Tito Sen

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MADAMDAMIN at emosyonal ang pagdiriwang ng 42nd anniversary ng Eat Bulaga noong weekend na muling nagkasama-sama sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Dahil sa pandemic, mahigit isang taong hindi nagkita-kita ng personal ang tatlo, at noon lamang anibersaryo muling nagsama para sa live episode ng show sa APT Studios.

Bukod kina Tito, Vic, at Joey, naroon din sina Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, Paolo Ballesteros, at Maine Mendoza habang ang ibang Dabarkads ay Team Bahay tulad nina Alden Richards, Wally Bayola, at Jose Manalo. 

Maluha-luhang nagpasalamat si Bossing Vic sa milyon-milyong loyal sa kanilang Dabarkads. ”Eh, kasi naman sa bawat yugto ng aming buhay bilang ama, bilang asawa, bilang Enteng Kabisote, Starzan, bilang Senator.

“Salamat! Salamat sa inyo Dabarkads dahil tinanggap at pinagkatiwalaan n’yo kami bilang Dabarkads n’yo ng maraming taon at sa mga darating pang panahon,” sambit ni Vic.

Ipinahayag din nito ang 100% support kay Senate President Tito Sotto sa mga susunod nitong plano bilang public servant. Nagpahayag na kasi si Tito Sen kasama ang ka-tandem niyang si Sen. Pampilo Lacson na tatakbo sila sa bilang Presidente at Vice President sa darating na halalan sa 2022.

“Si Tito Sen mula naman noon, saan ka man dalhin ng iyong kapalaran nandito pa rin kami at ano man ang sunod pang nakatadhana sa ‘yo nasa likod mo ang buong ‘Eat Bulaga,’” giit pa ni Bossing.

Maluha-luha rin ang naging reaksyon dito ni Tito Sen. ”Ang lakas ko na naman eh, at ang lakas ng loob ko eh, nanggagaling sa inyo, ‘Eat Bulaga’ at pagmamahal ng mga kababayan natin.

“Iba-iba ang daang tinatahak—mahirap, masaya, malungkot, mapanghusga pero bawal sumuko, bawal umayaw, tuloy lang tayo sa paghahatid ng isang libo’t isang tuwa at pag-asa saan man ako makarating,” sabi pa ni Tito Sen na nagpahayag noon na hindi siya tatakbong vice president kung hindi rin lang si Ping ang ka-tandem niya.

Kapwa buo ang suporta nina Tito Sen at Ping sa isa’t isa kaya naman sinasabing isa ang kanilang tandem sa malakas at paborito ng masa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …