Thursday , December 26 2024

Pagbabakuna, pinakamabisa kontra Delta

KUNG ipinikit ko ang aking mga mata simula nitong Linggo nang lomobo kaagad sa 119 ang kaso ng Delta (India) variant sa bansa mula sa 47 dalawang araw pa lang ang nakalipas, matatakot siguro akong imulat muli ang aking mga mata para makita ang mga nadagdag na bilang ngayong araw.

Iba-iba ang ideya ng health experts at mga opisyal ng gobyerno kung gaano kabilis makahawa ang Delta variant — mula sa limang beses na mas madaling maipasa hanggang sa walong beses na kaagad naihahawa. Kaya kung ang nadagdag ngayon sa bilang ng mga kaso ng Delta ay kasing nakatatakot ng inaasahan ko, dapat na malinaw nating maunawaan kung ano talaga ang nangyayari.

Dagdag pang alalahanin ang pagdami ng nahawahan ng Alpha (UK) variant sa 1,775 at Beta (South Africa) variant na may 2,019 kaso sa buong bansa, kaya naman may dahilan talaga para mangamba tayo na muli na namang lomobo ang bilang ng mga kaso ng CoVid-19 dito sa atin.

        Mahalagang mapagtanto kaagad ito ng gobyerno, una, kung titigilan na ang ambisyosong press release na balik sa normal ang lahat pagsapit ng Pasko. Tutukan muna natin ang herd immunity bago ang ano pa man, puwede ba?

Sang-ayon ako na kailangang magpatupad ang gobyerno ng matitinding hakbangin upang mapigilan ang hawaan ng Delta variant. Gayonman, ang mungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ipagbawal ang mga hindi pa nababakunahan sa loob ng iba’t ibang establisimiyento, kahit mga restaurants, at huwag pahintulutang bumiyahe, ay hindi makatao at tuwirang paglabag sa kanilang mga karapatan.

Hindi ba dapat seryosong pagtuunan muna natin ang contact tracing? Minamalas naman na ang mismong ating chief tracer, si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ay desmayado pa rin sa ating mga proseso.

Hindi ba dapat na wasto at masusi ang ating pag-aaral tungkol sa mga dinadapuan ng Delta? Nalaman ko ang tungkol sa reklamo ng infectious disease expert na si Dr. Benjie Co na “bumalik na naman ang nakaugalian ng DOH na mag-ulat ng mga UNKNOWNS” at iyon daw ay “sobrang hindi katanggap-tanggap.”

At pupuwede bang gawing mas maayos ang pagbabakuna na ating ginagawa?

*         *         *

Para sa akin, may sistema ang operasyon ng Robinsons Manila vaccination center. Pero ang paraan ng pagpapapila sa labas ng mall ay kailangan pa rin ayusin. Kailangan nitong baguhin ang sistema sa pagpapapila ng mga tao — nakatakda man sila o hindi na magpabakuna sa araw na iyon batay sa inianunsiyong kategorya ng mga babakunahan.

Nauunawaan kong hindi intensiyon ng mga taga-Manila City Hall at mga health authorities na payagan ang mga mas maliliksi, mas bata, at mas malusog na A3 individuals na sumingit sa pila at mauna pa sa senior citizens (A2) o sa mga may sakit na babakunahang pasok sa A3.

Mungkahi ko, makaisip sana ng paraan ang parehong mga awtoridad upang maiwasan nang mangyari itong muli kapag nagbukas ang mga mall dahil ang isang 70-anyos o isang naka-wheelchair na nakapila simula 8:00 ng umaga ay hinding-hindi sisingitan ang isang diabetic na nasa edad 20s na pumasok mula sa ibang gate ng 10:00 am at dumiretso sa main vaccination area sa ikalawang palapag.

Pero uulitin ko, kapuri-puri talaga ang sistema sa proseso ng pagbabakuna sa main vaccination area.

*              *              *

 SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE

ni Robert B. Roque

About Hataw Tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *