Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali
Bianca Umali

Bianca palaban na

Rated R
ni Rommel Gonzales

KAKAIBA at mas palabang Bianca Umali ang mapapanood sa much-awaited family drama series ng GMA Network na Legal Wives.

Bibigyang-buhay ni Bianca sa serye ang karakter ni Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael—ang role ni Dennis Trillo.

Pagkukuwento ni Bianca, nakare-relate siya sa ipinakitang katatagan ng kanyang karakter sa kabila ng karahasan na pinagdaanan nito. ”Nakaka-relate ako sa strength niya—sa strength niya to face the challenges na ibinigay sa kanya. Kasi kahit na wala siyang alam, kahit na hindi niya ini-expect ‘yung mga mangyayari sa kanya, hinarap niya pa rin ‘yun ng buong puso at hindi siya nawala sa sarili niya.”

Isang simpleng college student si Farrah na nag-aaral sa Maynila na magiging biktima ng karahasan ng isa sa kanyang mga kaklase. Ito ang magtutulak sa kanyang amang si Abdul Malik (Bernand Palanca) na ipakasal siya sa matalik na kaibigang si Ismael.

Bukod kay Bianca, gaganap din na mga asawa ni Dennis sa serye sina Alice Dixson at Andrea Torres.

Mapapanood na ang natatanging kuwento ng Legal Wives sa world premiere nito ngayong July 26 sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …