Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMDA Benhur Abalos Jr Aglipay Bridge pumping station
MMDA Benhur Abalos Jr Aglipay Bridge pumping station

Aglipay Bridge, pumping station inihanda para sa malaking baha

PINASINAYAAN kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Aglipay Bridge at Pumping Station sa Mandaluyong City bilang paghahanda sa inaasahang malalakas na pag-ulan at para maayos ang mababang lugar.

Pinangunahan ang seremonya ni MMDA Chairman Benhur Abalos, Jr., sa bagong impraestruktura sa Aglipay Street, Barangay Poblacion para sa kapakinabangan ng mga taga-Boni Avenue at F. Ortigas.

Ang nasabing pumping station ay may dalawang submersible engine pumps na kayang sumipsip ng .3 cubic meters ng baha para ibuga patungo sa San Juan River.

May trash nets naman na nakaabang upang masala ang mga basura sa area upang hindi na umabot at makasira sa pumping engines.

Ayon kay MMDA Chief, pinag-aaralan ng ahensiya ang terrains sa Metro Manila para sa planong pagdaragdag ng pumping stations na magpapabawas sa mga pagbaha.

Umapela si Abalos sa mga alkalde sa National Capital Region na magpasa ng resolusyon na magpapataw ng parusa sa mga taong walang habas na nagtatapon ng basura kabilang ang community service na mga lalabag.

“Regardless of how much and how frequent we pump flood water, if the public is still throwing their garbage anywhere, the problem won’t be addressed. This is why we need to strictly enforce sanction for violators and involve them in cleaning our Abalos.

Tiniyak ni Abalos, patuloy ang mga ahensiya sa mga ginagawang dredging, desilting, at clearing sa mga daluyan ng tubig habang pinatatakbo ang nasa 67 pumping stations sa Metro Manila. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …