Wednesday , December 25 2024

Presidential wannabes target ng trolls ni Digong (Kaya ayaw pa magdeklara)

PUNTIRYA ng “Duterte trolls” ang mga nais sumabak sa 2022 presidential elections na hindi kakampi ng administrasyon kaya wala pang nagdedeklarang maging presidential bet.
 
Sinabi ni 1Sambayan lead convenor at dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, umiiwas sa pag-atake ng umano’y trolls ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga may balak lumahok sa 2022 presidential race kaya hindi pa inihahayag ang depinidong plano at hihintayin na lamang ang mismong araw nang pagsusumite ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre.
 
“These candidates are afraid that if they come out now, the trolls of Duterte will pounce on them so they will probably make their decision sometime in late September just before the filing of certificate of candidacy in the first week of October,” sabi ni Carpio sa virtual press conference kahapon.
 
“Thousands of trolls all over the internet will attack you and there is no way you can fight back because these are anonymous people, fake people,” dagdag niya.
 
Hindi pa tinukoy ng 1Sambayan ang itatapat ng koalisyon sa mamanuking presidentiable ni Pangulong Duterte.
 
Tiniyak ni Carpio, hindi nadesmaya ang 1Sambayan sa resulta ng survey na nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang kursunadang presidential bet sa 2022 ng mga Pinoy.
 
Ikinatuwiran ni Carpio, sa nakalipas na presidential polls sa bansa mula noong administrasyong Ramos, lahat ng nanguna sa mga survey ay natalo sa halalan.
 
“If you look at the surveys in the past presidential elections since the time of President Ramos, all those leading in the surveys at this time lost,” aniya.
 
“The real surveys that will be reflective of the elections will be sometime in March because everything’s fluid,” giit ni Carpio.
 
Nauna rito’y naghain ng resolusyon ang Senado at Mababang Kapulungan na nagsusulong na imbestigahan ang isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson na isang undersecretary ng administrasyong Duterte ang nag-aalaga ng troll farms para batikusin ang opposition at mga kritiko ng pamahalaan.
 
Nais alamin ng Kongreso kung ginagamit ang pondo ng bayan para tustusan ang nasabing troll farms.
 
Ang trolls ay mga taong nag-uumpisa ng away sa internet o mga taong nakikisali sa usapan nang may usapan at nagpo-post ng mga hindi kaaya-aya upang makakuha ng atensiyon o makapanakit ng ibang tao.
 
Habang ang troll farm o troll factory ay isang grupo ng internet trolls na nakikialam sa political opinions at decision-making.
 
Kamakailan ay kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa paggasta ng mahigit P70 milyon para sa suweldo ng 375 contractual employees noong 2020.
 
Ito’y triple ng aktuwal na bilang ng regular PCOO employees kaya’t pinagdudahan na ang contractuals ay nakatalaga sa troll farm na itinanggi ng kagawaran.
 
Napaulat na isang mataas na communications official ang ipinatawag sa isang closed-door meeting ni Pangulong Duterte sa kanyang tanggapan sa PSG Compound matapos lumabas ang resolution ng Senado noong nakalipas na Lunes ng hapon.
 
Laglag-balikat umano ang communications official makaraan ang pulong sa Pangulo. (ROSE NOVENARIO)
 

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *