Wednesday , December 25 2024
Isko Moreno

Yorme Isko hinikayat tumakbong presidente

ISINUSULONG ng mga grupong Parents Enabling  Parents (PEP) at ng IM Pilipinas na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Handa umano ang dalawang grupo na maghatid ng lubos na suporta mula sa kandi­datura hanggang sa pagbabantay ng mga boto ni Yorme sa halalan.

Sa ginanap na weekly forum ng Southern Metro Manila Press Club Inc., ni PEP president Philip Piccio, si Moreno ang kanilang nakitang may kalipikasyon na pamunuan ang bansa dahil buo ang loob nito, may political will, bata at physically fit, at tama ang ginawa niya sa Divisoria, ibinalik ang dating magandang Maynila.

Aniya, bukod rito ang mga isinagawang economic program ng alkalde, pabahay sa mahihirap at nasa kanya ang karanasan na mismong nanggaling sa mahirap kaya alam niya kung paano abutin ang masa.

Sinabi ni dating Department Executive Director IACT at IM Pilipinas Secretary General Elmer Argaño, maraming kalipikadong maging posibleng running mate ni Mayor Isko ngunit ipinauubaya nila ito sa kapasyahan ni Yorme.

“Nasa kanyang laya sa pagpili kung sino ang running mate niya. We are looking forward na kukuha siya ng tandem na katulad niya masigla, kung paano siya gumalaw at kung paano siya umabot sa masa,” paliwanag ni Argaño.

Sakaling si Pangulong Rodrigo Duterte ang mapili ni Yorme na running mate ay irerespeto ng PEP at IM Pilipinas ang magiging pasya ng alkalde at handa silang sumuporta rito.

Umaasa ang PEP at IM Pilipinas na tutugon si Yorme sa kanilang pana­wagan na tumakbong presidente sa darating na eleksiyon sa susunod na taon.

Sa ngayon wala pang political party na nag-aalok o nag-eendoso sa posibleng kandidatura ni Yorme bilang presidente ng bansa.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *