Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OVP mas maraming nagawa — Robredo (Kung may dagdag 375 personnel gaya ng PCOO)

MAS marami sanang nagawa ang Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic kung puwede rin silang kumuha ng dagdag na 375 personnel gaya ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) noong 2020.

“Hindi ko ma-imagine ‘yung 375. Kapag iniisip ko may plus 375 kami ang laking bagay no’n to any office. Ang dami-daming puwedeng gawin,” sabi ni Vice President Leni Robredo sa kanyang radio program “BISErbisyong Leni” kahapon.

Ang pahayag ni Robredo ay reaksiyon sa pagkuwestiyon ng Commission on Audit (COA) sa pagkuha ng PCOO ng 375 contractual personnel na tumanggap ng kabuuhang P70.6 milyon suweldo kahit ang kanilang trabaho ay ginagawa ng mga regular na empleyado.

Anang COA, kara­mihan sa contractuals ay nasa tanggapan ni PCOO Secretary Martin Anda­nar.

Kinompara ito ni Robredo sa kanyang tanggapan na may 21 contractual workers at 64 contract of service at 160 regular employees.

“Ang dami naming magagawa kapag binig­yan kami ng additional 375,” ani Robredo.

Inilahad niya na dumami lamang ang kanyang mga tauhan sa panahaon ng pandemya dahil kailangan nilang kumuha ng dagdag na 70 contract workers para sa dagdag na serbisyo na inilaan nila sa publiko gaya ng ambulance, emergency medical services personnel, Bayanihan E-Konsulta at iba.

“Ngayon lang iyon. Pansamantala lang iyon. Over the past five years, less than 300 kami,” giit ng Bise-Presidente.

Idinagdag niya, ang OVP ay isa o dalawa lamang na nagmaman­tina ng kanilang social media pages at dala­wang videographers na nakatalagang mag-cover ng kanilang mga aktibidad sa buong bansa.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …