Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BB Gandanghari papangalanan na ang mga nakarelasyon

HATAWAN
ni Ed de Leon

ITO talagang hatawan na ang dating, dahil doon daw sa kanyang “one man show,” at ipagpaumanhin ninyo ha dahil hindi kami nakikiloko at tingin namin ay lalaki pa rin iyang si BB Gandanghari, sinasabing ibubulgar na niya ang lahat ng mga lalaking nakarelasyon niya.

Inumpisahan na niya iyan doon sa kanyang blog eh, hindi nga lang niya diniretso ang pangalan. Isa pa, aminado si BB na siya ay bakla, hindi niya sinabing ang karelasyon niya noon ay lalaki bang totoo o bakla rin. Diyan sa kanyang one man show, sasabihin na raw niya kung ang kanyang sikat na naka-relasyon ay bakla rin. Baka nga ikuwento pa niya ang ginagawa nila sa kanilang intimate moments.

Hindi lang namin alam kung aaminin niya ang isang matinee idol noong araw na naka-fling din niya, pero iyon ay may asawa, may kinakasama nang iba, at may mga anak. Tiyak lalaki iyon.

Hintayin din natin kung ano ang maging reaksiyon ng mga lalaki sa sasabihin niya, pero parang ang gagawin niyong isa ay “deadma” na lang, dahil mas hahaba iyan kung magko-comment pa siya sa relasyon nila ni BB. Tutal may isang singer at isang model na gay din na umaming naka-relasyon siya. Wala naman isa man sa kanila na nagsasabing siya ay gay din, pero ano pa nga ba iyon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …