ISANG police lieutenant na hindi nag-atubili para padedehin ang isang sanggol na natagpuan sa Barangay Old Capitol Site sa Quezon City; isang corporal mula sa Iloilo na namahagi ng face shields at grocery items sa kanyang komunidad mula sa unang araw ng pandemya; at isang sarhentong off-duty mula sa Negros Oriental na tumulong sa pagliligtas ng isang person with disability (PWD) mula sa nasusunog na bahay.
Ang mga inilarawang pulis ay ilan lamang sa 17 awardees ng Pulis Magiting X Pinoy Magiting Award, isang programa ng Ayala Foundation at Philippine National Police.
Inilunsad sa Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame kahapon, ang pagkilala sa Pulis Magiting X Pilipinong Magiting ang mga unipormadong tauhan na nagpapakita ng kabutihan o kagitingan sa loob at labas ng kanilang tungkulin.
Ang bawat awardee ay pinili batay sa kanilangpagmamahal sa bansa at mga lokal na pamayanan sa pamamagitan ng paglilingkod nang may integridad, katapatan, at karangalan.
Kada buwan, paparangalan ng Pulis Magiting X Pilipinong Magiting ang aabot sa 15 hanggang 20 pulis na naipakita ang kanilang kagitingan bilang mga Filipino na gumagawa ng kabutihan sa kapwa.
Mag-uumpisa ang programa sa National Capital Region, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at Davao Region, isinagawa ang simultaneous awarding kasabay ng pagsisimula ng PNP Community Relations Month.
Ang bawat Pulis na Magiting X Pilipinong Magiting awardee ay makatatanggap ng certificate of appreciation, cash award mula sa GCash, at gift certificate mula sa Chooks-to-Go.
“Many police officers perform their duty with integrity, but this fact is often buried under the misbehavior of a few. Worse, it seems as if we have given up telling the stories of the good cops within our ranks. It is now time to tell and take pride in the stories of our heroic cops,” pahayag ni PNP Chief General Guillermo Eleazar.
“Bilang paggunita sa 60th anniversary ng Ayala Foundation, ang Pulis Magiting X Pilipinong Magiting ay isang proyektong nabuo dahil sa paniniwala at pagkakaisa ng business sector at ng civil society na kapag kinilala mo ang kabutihan ng kahit sino, pipiliin nilang maging magiting, at gagawin nila ang tama para sa kapwa at bayan,” saad ni Ruel Maranan, presidente ng Ayala Foundation.
Ang Pulis Magiting X Pilipinong Magiting ay nakapaloob sa Brigadang Ayala, isang tugon sa pagkakaisa ng iba’t ibang business units ng Ayala upang mapagtibay ang commitment nito sa national development ng bansa.
Ang Brigadang Ayala ang nagtatahi sa iba’t ibang social development at corporate social responsibility initiatives ng Ayala Group mula sa pagtulong sa kalamidad, assistance sa public education system, pagtataguyod sa social enterprises, pagpapalaganap ng public health advocacy at iba pa.
Check Also
Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center
Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …
Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil
Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po …
Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado
MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …
BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home
BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …
BingoPlus empowers brand partners before the year ends
BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …