Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Netizens, na-turn-off kay Rowell (Jane binigyang importansya ng FPJAP)

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

MARAMING mga tagahanga ni Rowell Santiago ang medyo na-turn- off sa style ng pakikipagniig niya sa action-seryeng Ang Probinsyano. Tila raw kasi parang nanonood sila ng sexy picture na itinatali pa ang mga kamay habang nakikipagromansa sa tennis player na taga-Angeles City, si Maika Rivera.

Mayroon din silang eksenang nilalalatigo bago magniig.

Wow! ang bongga. Teka mayroon ba kayang pangulo ng bansa ang nagpapalatigo sa karomansang babae?

JANE BINIGYANG IMPORTANSYA NG FPJAP

MUKHANG hindi pa matutuldukan ang istorya ng Ang Probinsyano. Paano naman ang daming hindi ma-solve na problema ang grupo ni Coco Martin sa mga kalaban.

Halatang pagod na ang grupong Task Force Agila sa katatakbo at katatago sa mga kalaban.

May nagtatanong nga wala bang pamilyang naghihintay sa grupo ni Coco? Tiyak hindi makakayang lutasin ang mga problema nilang kinakaharap.

Sa kabilang banda, masuwerte si Jane de Leon dahil nasama sa FPJAP dahil maganda ang exposure at character na ginagampanan niya.

MAYAMANG PAMILYA SA BULACAN, NAMIGAY NG AYUDA

SA halip magdaos ng  bonggang celebration ng kani-kanilang birthday, ilang pamosong rich family sa Baliuag, Bulacan ang namigay na lang ng ayudang bigas at pagkain sa mga kababayan.

Ang mga may kaarawan ay sina Amy Rodriguez Tengco at Manny Villangca, parehong member ng civic minded family sa Baliuag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …