Monday , December 23 2024

Nick Vera Perez 10 album ang target na gawin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LIKAS na talaga kay Nick Vera Perez ang pagiging matulungin. Kaya naman kahit may sariling pinagdaraanan, hindi pa rin siya nakalilimot sa pagtulong. Katwiran niya, masaya siya kapag nakatutulong.

Sa pakikipaghuntahan namin sa Total International Entertainment sa Kumu, naikuwento ni Nick na katulad din siya ng karamihan na nakaramdam ng lungkot dahil biglang nabago ang nakasanayan niyang pag-e-entertain thru his music ngayong pandemya. Pero pinaglabanan niya ito para na rin sa kanyang pamilya at laksa-laksang supporter, ang NVP Angels.

“I believe everything is in the mind,” sambit ni Nick kung paano niya napaglabanan ang lungkot. ”Pinakamahirap na kalaban is utak and then hindi mo rin naman pwedeng sabihin na kahit gaano ka ka-positive sa nangyayari, ako I’m a positive person pero dumaan ako sa hindi naman depression kasi a depression is already a diagnosis. Dumaan ako sa mga araw na wala akong ganang magtaping, kumanta. As in gusto ko lang humiga ako sa kama.

“Parang nawalan ako ng gana sa buhay. Then ‘yung mga angel ko(NVP) lalo na si Olive lagi akong sinasabihan na do not give up for us. Ang daming mga message na parang minsan oo nga ba’t ko sinasabi na ‘I lift people up’ and then I cannot lift myself. ‘Yun ang mga nabigay inspiration.”

At sa sariling paraan, nagpapa-abot ng ayuda si Nick sa alam niyang kailangan ng tulong.

Naikuwento pa ni Nick na nakapag-record siya ng dalawang album, ang NVP1.0 at ang Christmas album. Sa CRC Legendary Sound siya nag-record na pawing mga kilalang singers ang nagre-record doon tulad nina Michael Jackson, Lady Gaga, Rihanna, Chance the rapper, Boys Two Men at iba pa.

Sa first album ni Nick na I Am Ready, tatlong kanta ang nai-record niya. Sa NVP 1.0 naman ay ukol sa mga love song ang awitin. Ang mga awitin dito ani Nick ay nakatutuok kung paano magiging strong lalo ngayong pandemic.

Ang album ay may 12 awitin na ang mga music at liriko ay mula kay Adonis Tabanda.

“Kinausap ko si Adonis para gumawa kami ng 10 albums. So we are now in album no 3. Ang Album 4, limang kanta na rin ang nagawa namin.

“The reason why 10 albums, magre-retire na ako after this. Kasi nasa bucket list ko ‘yun. The album contains Filipino and English songs mainly about love pero ang twist ng album lahat ng genre nandoon. Ipinakikita niyon ang versatiltiy ng NVP kasi may rock, may ballad, may easy listening, may contemporary, RnB, jazz and pop.

“This album is more attractive than the first one, you’ll see. It’s all original songs of Adonis but everytime we collaborate, I tell him, ito ‘yung feelings ko about the song, ito ‘yung ideas ko. Inaayos niya ‘yung  words.

Sinabi pa ni Nick na nahirapan siyang kumanta ngayong pandemic. ”Noong nag-start ‘yung sadness sa buhay ko, ang hirap kumanta. Parang ‘yung sa first album ko na may kanta roon na ‘My mom,’ na it took me four months bago ko siya makanta.

“Sa album ang challenges include emotional imbalance dahil sa mga nangyayari sa covid. Alam niyo naman ang work ko sa States aside from Nursing every single weekend mayroon akong hosting job, shows, lahat, ‘yun nawala pati mga concert na malalaki pati ‘yung pag-uwi ko sa Philippines nawala. Pero tuloy lang kasi mayroon akong goals eh.”

Katwiran pa ni Nick, ”Ang utak natin kasi ang kalaban is invisible, so mahirap. Kailangan kong gawin ang album kasi music always changes our moods. Always brings us to new grounds na nakatutulong na nawawala tayo sa problem. So all the more music should be done at this time.”

At dahil nga sa goal niyang makabuo ng album, natapos niya para na rin sa mga tumatangkilik sa kanya. Isa pa sa goal ni Nick ang makauwi muli ng Pilipinas this year. At nakikita niyang posibleng mangyari na iyon lalo’t umaayos na rin ang health ng kanyang ina.

Sa huli, nagpapasalamat si Nick sa patuloy na nagdarasal sa kanya at sa kanyang ina gayundin sa mga angel niyang hindi siya iniiwan.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *