Friday , November 15 2024

Kulang sa paghahanda at responde

THE government must acknowledge the lapses in its Covid-19 pandemic response if it wants to effectively address the health crisis.

— Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo

PASAKALYE

Text message:

Tutol ang National Task Force Against CoVid-19 (NTF) sa pag-alis ng face shield. Iyan ba naman ay pagtatalunan pa? 90 porsiyento ng gumagamit ng shield ay ginagawa lang headband ito pero walang sumisita at ganoon din sa facemask na nasa baba o leeg. Mga g-g- kayo, ipatupad ninyo nang mahigpit para hindi kayo magmukhang g-g-.

Ang Department of Tourism (DoT) naman todo deny sa pagbubukas ng turismo sanhi ng pagtaas ng CoVid-19 cases sa mga probinsiya. Iyan ang walang kuwentang ahensiya na walang malasakit sa kaligtasan ng mamamayan.

Pagkakalbo ay sanhi raw ng CoVid-19 pero wala pa rin sapat na ebidensiya. Pati ba naman ang pagkakalbo ay nasama sa usapin ng Covid-19! E ang butas-butas na bituka ng mahihirap, hindi ba dahil din sa pandemic? Kasi kulang-na-kulang ang malasakit ng gobyerno at napakabagal pa! Huwag sa CoVid-19 lang kayo nakatutok. Higit na mga pangangailangan ng taongbayan ang tutukan n’yo. Mas marami ngayon ang namamatay sa pagkakasakit at gutom kung ihahambing sa CoVid-19.

At mga empleyado ng mga public hospital ay bibigyan daw ng allowance. Hahaha. Matagal nang sinabi ‘yan. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, 10:18, June 21, 2021)

REAKSIYON:

 Sa lahat ng mga nakikita natin, nababalitaan at naririnig na usap-usapan at maging ang mga deklarasyon at anunsiyo ng ating pamahalaan ay may iisa lamang na indikasyon: Tunay na kulang-na-kulang ang paghahanda at responde ng ating mga pinuno at awtoridad para matugunan ang problema sa CoVid-19.

Sadyang hindi pinag-iisipang mabuti kung anoman ang kanilang gagawin, ibabalangkas na polisiya at wastong tugon sa mga suliranin bunsod ng pandmeya kaya hanggang ngayon ay para bang nasa simula pa lang tayo ng krisis na nangangapa kung paano at ano ang gagawin para matiyak ang kapakanan ng bansa at ng taongbayan.

Kaya mas makabubuti kung magkanya-kanya na lamang tayo para mapangalagaan natin ang ating sarili at mga mahal sa buhay. Kumbaga, kung ayaw n’yo magsuot ng facemask at face shield ay bahala na kayo — basta ak, titiyakin kong susundin ko ang mahahalagang payo ng mga eksperto para matiyak din na hindi ako dadapuan ng CoVid-19.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

Tracy Cabrera

 

 

      

 

About Hataw Tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *