Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sue Ramirez mas focus sa work

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


“ANG
focus ko po ngayon ay ang work dahil super blessed ako sa dami ng work na dumarating.” 
Ito ang isinagot ni Sue Ramirez kung handa na ba siyang maging first lady ng Victorias City, Negros Occidental nang matanong sa digital conference ng bago nilang serye, ang Boyfriend No.13, isang WeTV original at line produced ng APT Productions na mapapanood na simula July 2 sa WeTV at iFlix kasama sina JC De Vera at JC Santos.

Tila paiwas nga si Sue at ayaw magbigay ng detalye ukol sa relasyon niya kay Javi Benitez na sinasabing posibleng pasukin ang politika.

Sinabi pa ni Sue na wala pang filing kaya hindi pa tiyak kung tatakbo nga si Javi sa pagka-mayor ng nasabing lungsod.

Basta ang tiniyak ng aktres, hindi iyon ang focus niya. ”At this point, it’s not something I’m focused on. Very busy ako sa work. Ang dami kong blessings na dumarating—one after another. Also for Javi…so much is happening for him. So, I think, the focus is not on that aspect.”

Bukod sa Boyfriend No.13 may bago ring teleserye si Sur sa Kapamilya Channel, ang The Broken Marriage Vow.

Ginagampanan ni Sue ang karakter ni Kim, isang  astrology-obsessed writer na ibinabase ang takbo ng career at romantic life sa sign ng star. Ang romantic-comedy series ay idinirehe ni John “Sweet” Lapus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …