Wednesday , December 25 2024
arrest prison

Pekeng NBI arestado sa karnap at droga

KALABOSO ang isang negosyanteng nagpang­gap na National Bureau of Investigation (NBI) agent dahil sa kasong carnapping at pagda­dala ng hinihinalang ilegal na droga, at baril nitong Sabado ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay city police chief, Col. Cesar Paday-os ang suspek na si Mark Rovel De Ocampo, 41 anyos, residente sa Meadowoods Executive Village, Bacoor, Cavite.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions), RA 10883 (The New Anti-Carnapping Act of 2016), at Sec 11, RA 9165 (Comprehensive Drugs Act of 2002).

Kinilala rin ang mga biktima na sina Josephine Llavore, 44 anyos, at Rodrigo Villacorta, Jr., 38 anyos, kapwa negosyante.

Sa report ng Pasay Police, Sabado ng gabi nang mangyari ang insidente sa harapan ng isang condominium sa isang mall complex, dakong 10:45 pm.

Habang nagpa­pa­trolya ang mga tauhan ng Pasay Police sa naturang lugar, namataan nilang may nagaganap na kaguluhan.

Agad nilang nilapitan upang alamin ang nangyayaring kaguluhan at dito nabataid sa dalawang biktima na kinarnap ang kanilang sasakyan ng suspek.

Dali-daling pumunta ang suspek sa kanyang sasak­yan at aktong tata­kas pero agad hinarang ng mga awtoridad at sina­bihang sumuko at luma­bas sa kanyang sasakyan.

Nagpakita ng NBI ID badge ang suspek at nagpanggap na isa siyang NBI agent saka binuksan ang bintana ng kanyang sasakyan.

Dito nakita ng mga pulis na may baril ang suspek nakita rin na may dalang umano’y droga.

Agad inaresto ng mga awtoridad ang nasabing suspek at nakompiska mula rito ang kalibre 9MM, kulay silver na Toyota Fortuner, may plakang NDM 9226, 33 gramo ng hinihinalang shabu na ang halaga ay tina­tayang P224,400, 11 pirasong kulay pulang tabletas na pinani­niwalaang ecstasy.

Kasalukuyang na­ka­kulong ang suspek sa tanggapan ng Pasay City Police habang inihahanda ang reklamo ng mga alagad ng batas. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *