Wednesday , December 25 2024

Panelo palso sa aresto vs anti-vaxxer — law experts

SABLAY ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na alinsunod sa Saligang Batas ang pagdakip ng mga awtoridad sa mga taonga yaw magpa­bakuna.

Ayon kay dating Supreme Court spokesman at law professor Theodore Te sa isang tweet, tanging hukom lamang, sa pamamagitan ng isang warrant of arrest,  ang puwedeng mag-utos na arestohin ang isang tao.

Hindi aniya krimen ang hindi pagpapa­bakuna at hindi kasama sa mga insidenteng puwede ang warrantless arrest base sa Revised Rules of Criminal Procedure.

“Rule 113 Section 5(a) holds that a person may be arrested when a crime is committed, is being committed or attempting to commit an offense, Section 5(b) states that a person may be arrested when an offense has just been committed and the officer has probable cause to believe it based on personal knowledge.”

Maging si Integrated Bar of the Philippines (IBP) national president Domingo Egon Cayosa ay pareho ng opinyon nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Presidential Spokesman Harry Roque na kailangan ang isang batas na nagpaparusa sa ayaw magpabakuna.

Nagmatigas si Panelo na ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestohin ang ayaw magpabakuna ay may constitutional basis.

Aniya, batay sa “Article II, Section 4 of our Constitution mandates ‘[t]he prime duty of the Government is to serve and protect the people.”

Katuwiran ni Panelo, “Drastic times demand for drastic measures. The Constitution has given sufficient authority to the government to manage the crisis even as it vigorously towards achieving herd immunity while our people look forward to reaching it.”

Matatandaan, ilang beses nang gumamit ng maling argumento si Panelo gaya noong 2020 na aniya’y puwedeng magdeklara ng batas militar si Pangulong Duterte bunsod ng “there is an actual invasion of the coronavirus disease.”

Binigyang katuwiran ni Panelo ang pagtatalaga ng mga sundalo sa Bureau of Customs noong 2018 upang “suppress any and all forms of lawless violence in Mindanao and to prevent such lawless violence from spreading and escalating elsewhere in the Philippines.”

Habang noong 2016 ay sinabi rin niyang puwedeng magdeklara ng martial law si Duterte bunsod ng problema sa illegal drugs sa bansa kahit hindi ito nakasaad sa Saligang Batas bilang basehan ng martial law declaration.

Sa kabila ng ilang salto ni Panelo, tinagurian siyang legal luminary ni Pangulong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *