Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roque tablado sa Iloilo City (Sa 2022 polls)

WALANG maaasahang suporta si Presidential Spokesman Harry Roque sa Iloilo City kapag itinuloy ang kanyang planong lumahok sa senatorial race sa 2022.
 
Sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa Radyo Singko kagabi, ibinuhos ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang kanyang sama ng loob kay Roque at hinanakit sa administrasyong Duterte sa aniya’y dehadong sitwasyon ng kanyang lungsod sa CoVid-19 response program ng pamahalaan.
 
Binatikos niya ang mga umano’y pahayag ni Roque na sinisisi ang mga paglabag ng mga mamamayan sa minimum health protocols sa pagtaas ng kaso ng CoVid-19.
 
“Ang masakit pa, tumataas ang kaso namin, kami pa ang may kasalanan. Ano ba ‘yan? Hindi naman tama ‘yan. Alam mo kaibigan ko rin ‘yan si Harry kasi kasama kami sa Congress. Ok naman si Harry but minsan mas mabilis ang bungaga niya sa utak niya. I think as an intelligent person dapat mauna ang utak mo sa bunganga mo,” anang alkalde.
 
Kung dati’y nais niyang tulungan si Roque sa senatorial bid, nagdadalawang isip na siya na suportahan ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil imbes tulungan ang kanilang siyudad ay sinisisi pa ang mga Ilonggo sa paglobo ng CoVid-19 cases.
 
“I was thinking of helping him because he is planning to run sa Senate. Ngayon I am ambivalent about the whole situation because instead of helping Iloilo City, he is blaming the Ilonggos. So what kind of secretary are you? Are you there as a secretary to help us or are you a secretary blaming people because they get sick?” giit ni Trenas.
 
“So we should also blame the Americans, the Europeans who got sick. The other Southeast Asians who got sick. It is their own fault. What kind of government that Harry is trying to bring out? Instead of trying to look for ways to help out, he is blaming us. What kind of person are you?” gigil na wika ng alkalde.
 
Hinanakit niya, nakatanggap lamang ng 300,000 doses ng CoVid-19 vaccine ang buong Region 6 na may anim na lalawigan, dalawang highly urbanized city at walong milyong populasyon kompara sa Quezon City na may tatlong milyong populasyon na binigyan ng gobyerno ng 600,000 doses ng bakuna.
 
Nanawagan siya sa kagyat na ayuda ng national government sa Iloilo City dahil puno na aniya ang lahat ng ospital sa lungsod, kapos ang kanilang medical equipment at medical personnel at ang PhilHealth ay hindi pa nagbabayad ng utang na isang bilyong piso sa mga pagamutan sa siyudad.
 
“Mga Filipino rin kami, we need help here,” wika ng alkalde. (ROSE NOVENARIO)
 
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …