PH Consulate nagbabala sa OFWs vs money laundering
NAGBABALA sa overseas Filipino workers (OFWs) ang Philippine Consulate sa Hong Kong kaugnay ng dumaraming insidente ng money laundering, gamit ang ATM sa kanilang modus operandi.
Kaugnay nito, nagpaalala ang Konsulada sa Pinoy workers na huwag ipagkatiwala sa iba ang kanilang ATM card.
Posible umanong magamit ang ATM sa mga ilegal na transaksiyon tulad ng money laundering kaya dapat ireport agad kapag nawala ang kanilang ATM card.
Agad din makipag-ugnayan sa pinakamalapit na police station o sa banko na nag-isyu ng ATM card sakaling matuklasan na may gumagamit dito nang walang pahintulot.
Ipinaalala ng Konsulada na ang money laundering ay krimen at may katapat na mabigat na parusa. (JAJA GARCIA)