Sunday , November 17 2024

Kuda ni Digong, ‘wag seyosohin

ni ROSE NOVENARIO
 
KUMUPAS na ang kredibilidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nalalabing isang taon sa Malacañang at mismong political analysts ay nanawagan sa publiko na huwag munang serysohin ang kanyang mga pahayag tungkol sa politika sa 2022.
 
Isa sa nagpahayag na huwag munang patulan ang sinabi ni Pangulong Duterte na pinayohan ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na ‘wag ituloy ang presidential bid sa 2022 ay si Edna Co, dating dean ng UP National College of Public Administration and Governance (NCPAG), hindi muna dapat tingnan bilang pinal ang mga ebas ng presidente.
 
Giit ni Co, bantog si Pangulong Duterte na pabago-bago ang isip at sinasabing biro ang ilang kontrobersiyal na pahayag.
 
“Alam naman natin, maraming pagkakataon nagbabago ng isip ang pangulo. Posibleng bilang magulang, may sinseridad ‘yun,” sabi ni Co sa panayam sa DZMM Teleradyo kahapon.
 
“Pero sa dinaanan din niya, alam din niya na kung ano ang power, ano ang pribilehiyo ng pagiging pangulo, at sa aking palagay, hindi totoo na absolutely out of his mind na hindi tumakbo ang isang kamag-anak niya. So hindi natin puwedeng seryosohin with finality ‘yung sinasabi ng pangulo sa ngayon,” dagdag niya.
 
Matatandaan noong 2015 kahit maraming beses na itinanggi ni Duterte na sasali siya sa 2016 presidential derby ay humabol siya at naghain ng certificate of candidacy bilang substitute kay noo’y PDP-Laban candidate Martin Diño noong Disyembre 2015 hanggang manalo sa bilang pangulo noong 2016.
 
Para kay dating UP Law Dean Pacifico Agabin, matutuloy ang pagtakbo ni Pangulong Duterte bilang vice president sa 2022 pero hindi mangyayari ang paghahain niya ng certificate of candidacy sa Oktubre bagkus ay uulitin niya ang pagiging substitute candidate sa Disyembre gaya ng ginawa niya noong 2016 elections.
 
“Medyo malalim ang laro ni President sa politika e… lahat ng kandidato nag-aantay ng final position ni President. Pero palagay ko hindi darating ‘yan hanggang Oktubre,” ani Agabin.
 
Sa lahat aniya ng lumutang na pangalan bilang 2022 presidentiables, tanging si Sara ang kasado na.
 
“Mukhang determinado na si Sara e. Siya ang unang talagang definite sa candidacy niya. ‘Yung iba naghihintay ng signal from the president e,”sabi niya.
 
Habang si UST political science professor Dennis Coronacion ay kombinsido na ang posibilidad ng Duterte-Duterte tandem sa 2022 elections ay magpapatampok ng problema sa political dynasty sa bansa bunsod ng kawalan ng enabling law upang suportahan ang probisyon na nagbabawal dito sa 1987 Constitution.
 
“Ewan ko kung may bagong maio-offer ang Duterte-Duterte tandem na hindi pa nai-offer, naisagawa noong anim na taon na nakaupo si President Rodrigo Duterte,” paliwanag ni Coronacion.
 
Dadagsa ang mga tanong ng mga botante sa motibo ni Pangulong Duterte sakaling ilarga ang vice presidential bid sa 2022.
 
“Meron ka pa bang unfinished business? Bakit ka tatakbo e samantalang napagbigyan ka na ng anim na taon. ‘Pag wala po sigurong maibigay na kasagutan ‘yung dating Pangulo, I think mapapatanong ‘yung mga tao: ‘Para ba ‘to sa pansariling interes kaya mo ‘to ginagawa?’” wika ni Coronacion.
 
Magreresulta rin aniya ito sa isang constitutional crisis lalo kapag napatalsik ang nanalong pangulo, o kaya’y nagkasakit o pumanaw.
 
Malaking tanong aniya kung uubrang pumalit na pangulo ang isang bise-presidente na naging presidente na ng bansa dahil ipinagbabawal sa Saligang Batas ang ikalawang termino ng isang pangulo.
 
“Patuloy niyang inilalapit ang kanyang sarili sa pagka-Pangulo. By doing that, ilalagay niya sa krisis ang ating political system na malinaw na malinaw na isinasaad ang isang naging pangulo ay hindi na dapat maging pangulo,” ayon kay Coronacion.
 
Nanawagan sina Agabin at Coronacion sa mga botante na maging kritikal sa pagpili ng kandidato sa 2022.

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *