Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manilyn at Kitkat mag-BFF na naging magkaaway

Rated R
ni Rommel Gonzales

TUNGHAYAN sina Manilyn Reynes at Kitkat sa nakaaaliw na kuwento ng best friends-turned-rivals sa fresh episode ng award-winning comedy anthology na Dear Uge ngayong Linggo, June 13.

Miyembro ng ’80s It Girls trio na Bagirls sina Pipay (Manilyn) at Shonda (Kitkat). At muli silang magtatagpo sa burol ng kanilang ikatlong miyembro. Malayong-malayo sa kanilang image noon, isa nang simpleng maybahay si Pipay habang naadik naman sa pagpaparetoke si Shonda.

Ang dating mag-best friends ay magiging magkaribal nang mabalitaan nilang ipinagkaloob ng kanilang yumaong kamiyembro ang lahat ng  yaman sa pinaka-karapat-dapat na Bagirl.

Magpapagalingan sa iba’t ibang challenges sina Pipay at Shonda at maraming mauungkat tungkol sa kanilang nakaraan.

Pero, paano ang mangyayari kung bigla silang damputin at malagay ang kanilang buhay sa alanganin? Dito na ba nila tatalikuran ang isa’t isa para iligtas ang sarili nila?

Tiyak bubuhos na naman ang katatawanan at masayang kuwentuhan sa fresh episode ng Dear Uge ngayong Linggo, pagkatapos ng GMA Blockbusters.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …