Sunday , December 22 2024
Rodrigo Duterte Bongbong Marcos Manny Pacquiao Bong Go Sara Duterte
Rodrigo Duterte Bongbong Marcos Manny Pacquiao Bong Go Sara Duterte

3 wannabes, etsapuwera kay Mayor Sara

WALANG bilang ang tatlong nag-aambisyong mabasbasan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang manok ng administrasyon sa 2022 presidential derby.
 
Tiniyak ni dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr., sa After the Fact sa ANC kamakalawa, para kay Davao City Mayor Sara Duterte, hindi kasama sa ‘equation’ ang mga itinuturing na presidentiables na sina Sen. Manny Pacquiao, dating Sen. Bongbong Marcos at Sen. Christopher “Bong” Go.
 
“Ang solusyon ni Sara diyan, hindi kayo kasama sa equation,” tugon ni Andaya nang hamunin ni dating Sen. Antonio Trillanes IV kung ano ang magagawa ni Sara sa paglutang nina Pacquiao, Marcos, at partikular si Go, malalapit kay Pangulong Duterte na maaari niyang makatunggali sa basbas ng kanyang ama.
 
Para kay Andaya, hindi na kailangan ni Sara si Pangulong Duterte na magdesisyon para sa kanyang 2022 presidential ambition.
 
“She does not need her father to make a decision. She already made her decision. Despite the challenge posed by the father, just rose up to the occasion . I’m running, I don’t need his anointment. Did you hear the father anoint her? She did not, she just made her decision,” giit niya.
Idineklara ni Andaya na sasabak bilang independent candidates ang tambalan nina Sara at dating Defense Secretary Gilbert Teodoro.
 
Kinompirma ni Teodoro ang kahandaan na maging vice presidential bet ni Sara matapos personal na makipagpulong sa Davao City mayor nang magtungo sa siyudad kasama si Andaya kamakailan.
 
Sa kabila ng paggiit ni Trillanes na si Vice President Leni Robredo pa rin ang pambato ng oposisyon laban kay Sara sa 2022 elections, iginit ni Andaya na nakausap niya mismo ang Bise-Presidente noong Pebrero 2021 at tiniyak na kakandidato siya sa pagka-gobernador ng Camarines Sur.
 
“Kung sino man ang spokesperson niya (Robredo), ang suggestion ko, kausapin niyang mabuti ‘yung amo nya. Hindi niya naintindihan ang sinasabi niya. Read between the lines what VP Leni is saying. Baka hindi pa yata nakatuntong sa Bicol ang spokesman niyang ‘yan. Pumunta muna siya rito para malaman niya,” sabi ni Andaya.
 
Sa panayam kagabi sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy sa SMNI, ikinuwento ni Pangulong Duterte na kinausap niya kamakalawa ng gabi si Sara at pinayohan na huwag ituloy ang presidential bid.
 
“Well, si Inday, kagabi man ako dumating, si Inday, kinausap ko talaga kagabi, do not run. Do not ever commit the mistake of running for presidency. I don’t mean to insult the Filipino people, presidente, wala ka talagang makuha. Wala para sa iyo, except for one thing, ‘yung sense of fulfilment mo sa kapwa tao mo, na may nagawa ka, aside from that, it’s an empty, puro ka na lang trabaho diyan, now unless magtakbo ka ng presidente, tapos mangurakot ka, you’ll become a billionaire or millioanire whichever you want, pero is that the life you want, kung sobra-sobrang pera, aanhin mo naman,” anang Pangulo.
 
“Sabi ko sa kanya, knowing you, maawa ako sa ‘yo, magtrabaho ka, ang suweldo 200, buti sana, one million ang salary, tapos bigyan ka 200 sige ka trabaho, tapos atakehin ka, criticize ka, babayuhin ka in the likes of Trillanes nandiyan ang mga ‘yan, tapos itong mga chuchuwariwap ng mga presidential aspirants, you do not deserve it. You don’t deserve it, anak kita, maawa ako sa ‘yo, at alam ko namang hindi ka magpunta ng kalokohan, e sabihin ko sa ‘yo ngayon ‘wag kang tumakbo. Kagabi ‘yun. Sinabi ko ‘wag kang tumakbo,” dagdag ng Pangulo.
 
Noong 2019 midterm elections, nagbuo ng kanyang sariling senatorial slate si Sara sa ilalim ng kanyang local political party na Hugpong ng Pagbabago, hiwalay sa idineklarang senatorial line-up ng PDP-Laban ni Pangulong Duterte.
 
Dalawang beses naipakita ni Sara ang kanyang political influence nang patalsikin si dating House Speaker Pantaleon Alvarez, at ipalit si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at noong nakaraang taon ay napababa rin bilang Speaker si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano, at iniluklok si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco kapalit niya.
 
Walang nagawa si Pangulong Duterte sa mga naturang political move ni Sara. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *