Saturday , November 16 2024
Leni Robredo

Leni CamSur gov target sa 2022

INAMIN ni Vice President Leni Robredo na kakandidato siya sa pagka-gobernador ng Camarines Sur at hindi sa pagka-pangulo sa 2022 elections.
 
Ikinuwento ito ni dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr., sa programang The Chiefs sa TV5 kagabi, personal na kinompirma sa kanya ito ni Robredo kamakailan.
 
Malinaw na indikasyon, aniya, ng political plan ni Robredo ang paglipat ng kanyang residency sa Magarao, Camarines Sur mula sa Naga City.
 
Hindi maaaring bomoto at kumandidato si Robredo kapag residente siya ng Naga City dahil ito’y isang independent city at hindi bomoboto ng gobernadora ang mga botante ng siyudad, sabi ni Andaya.
 
Matatandaan, inialok ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang kanyang sarili bilang presidential bet ng opposition coalition 1Sambayan sa 2022 bunsod ng plano ni Robredo na lumahok sa gubernatorial race sa Camarines Sur.
 
Napuna ng ilang political observers na pawang mga Bicolano ang ‘gumagalaw’ para sa 2022 elections top posts gaya ni Albay Rep. Joey Salceda ang nag-anunsiyo ng pagtakbo ni Sara bilang presidential bet, si Andaya sa paglahok ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro bilang VP bet ni Sara at si Trillanes na inianunsyo ang pag-atras ni Robredo sa presidential race.
 
Ang Bicol ang ika-anim sa vote-rich regions sa Filipinas na may 3,647,711 botante katumbas ng 5.9% total voters sa buong bansa, batay sa 2019 record ng Commission on Elections (Comelec).
 
Ang limang pangunahing vote-rich regions ay Region IV-A (Calabarzon), National Capital Region, Central Luzon, Central Visayas at Western Visayas. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *