Sunday , December 22 2024
Malacañan CPP NPA NDF

Sugo ng kapayapaan inuubos

LALONG naging imposibleng buhayin ang peace talks sa panahon ng administrasyong Duterte dahil unti-unting ‘inuubos’ ang mga sugo ng kapayapaan o peace consultants mula sa komunistang grupo.
 
Pinagbabaril sa mukha at katawan hanggang mapatay kamakalawa habang nagpapahinga sa duyan ang 80-anyos na si Rustico Tan, dating pari at dating peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Purok Caimito, Brgy. Upper Poblacion, Pilar, Camotes Islands sa Cebu noong Biyernes ng gabi ng mga hindi kilalang salarin.
 
Si Tan ang ika-11 NDFP consultant na pinatay mula nang maluklok sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Halos kasabay nang pagpatay kay Tan, nasawi dahil nanlaban umano habang dinarakip ng mga pulis at militar si NDFP peace consultant Reynaldo Bocala at kasamang si Welly Arguelles Epago sa Iloilo.
 
Unang iniulat ang mga nasabing patayan ng alternative media outfits na Panay Today, Aninaw Productions at ilang local station noong Biyernes ng gabi.
 
Kabilang sa mga nakompiska ang isang dokumento na may identification number PP 978525 ng NDFP na tumutukoy kay Bocala bilang consultant nito sa Visayas.
 
Si Bocala ay asawa ni peace consultant Ma. Concepcion “Concha” Araneta-Bocala, isa sa mga tinaguriang terorista sa listahang inilabas ng Anti-Terrorism Council (ATC) noong nakaraang 13 Mayo.
 
“These incidents and killings should also be investigated in the context of previous incidents of killings and attacks against other NDFP peace consultants or spokespersons, who were killed in similar patterns, whether in the course of purported service of warrants or involving unnamed individuals in the dead of the night, as well as the Duterte government’s blatant terror-tagging of peace consultants through the Anti-Terrorism Act, which we have already feared is a de facto death warrant,” ayon sa kalatas ng human rights group na Karapatan.
 
Kabilang sa humahabang listahan ng pinatay na NDFP peace consultants ay sina Randy Malayao, binaril habang nakasakay sa bus noong Enero 2019; Randall Echanis na pinagsasaksak noong Agosto 2020; mag-asawang Antonio Cabanatan at Florenda Yap, parehong binigti noong Disyembre 2020; Julius Giron at Dr. Maria Lourdes Tangco, pinaslang sa Baguio City noong Marso 2020; mag-asawang Eugenia Magpantay at Agaton Topacio sa Angono, Rizal noong Nobyembre 2020; at NDFP spokesperson Alvin Luque sa Surigao del Sur noong Disyembre 2020.
 
Sina Malayao, Echanis, Magpantay, Topacio, at Cabanatan ay kabilang sa 600 kataong tinukoy ng Department of Justice (DOJ) bilang mga terorista noong 2018 sa ilalim ng now-repealed Human Security Act.
 
“We call on the Commission on Human Rights to provide the necessary assistance to the families of Tan, Bocalla and Epago and to conduct independent investigations on their killings. We call on the Duterte administration to put a stop to the killings and to abide by the NDFP-GRP Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law,” anang Karapatan.
 
Matatandaan nag-urong sulong sa pagdaraos ng peace talks sa mga rebeldeng komunista si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang noong Abril 2020 nang magbanta siya sa legal na kaliwa na magtago oras na magpatupad siya ng mala-batas militar na kaayusan sa panahong nararanasan ang CoVid-19 pandemic.
 
“Tapusin na natin ito sa panahon ko. I have two more years. I will try to finish all of you. Pati kayong mga legal, magtago na kayo,” aniya sa public address noong 23 Abril 2020.
 
“‘Wag ninyong sabihin na put*ngina, na wala kayong… You know, you are a bullsh*t. You are the legal fronts.” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *