Thursday , January 2 2025

Kumusta na kaya si Manay Sandra Cam?

NABIGO ang mga naghihintay kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam, sa Manila City Jail (MCJ) dahil hanggang ngayon, hindi pa raw nila nakikita kahit ang anino ni Manay.
 
Umasa kasi ang mga taga-MCJ na magiging kakosa nila si Manay Sandra. Naniniwala silang malaking tulong sa kanila kapag nahoyo si Manay dahil mayroon na silang mahihingan ng tulong lalo sa isyu ng kalusugan.
 
Siyempre, board member nga ng PCSO si Manay ‘e, ‘di ba? Kaya ang tingin ng mga PDL, kapag nahoyo siya sa MCJ, ‘yan ay hulog ng langit sa kanila.
 
Ang siste, hindi nga raw nila makita si Manay Sandra, lalo na ang anak na si Marco Martin Cam. Sila ang inakusahang mastermind sa pagpaslang kay Batuan, Masbate vice mayor vice mayor Charlie Yuson III noong 10 Oktubre 2019 sa Sampaloc, Maynila. Ang kasama niyang si Alberto Alforte IV, ay grabeng nasugatan sa nasabing pamamaril.
Para kay Manila Regional Trial Court Branch 42 Judge Dinnah Aguila-Topacio, may ‘probable cause’ ang kasong inihain kaya naglabas siya ng arrest order laban kay Cam, sa anak na si Marco Martin at sa mga hinihinalang gunmen na sina Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigo dela Cruz, na nahaharap sa mga kasong murder at frustrated murder.
 
Kung hindi tayo nagkakamali, isang gabi noong nakaraang huling linggo ng Abril ‘sumuko’ si Manay
 
“She voluntarily surrendered because her security escort called the CIDG unit nearest her location,” ayon kay CIDG director Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro.
 
Ang sabi, noong magpahayag ng pagsuko si Manay Sandra ay naka-confine siya sa isang ospital, somewhere in Cavite. Hindi tinukoy kung anong ospital sa Cavite.
 
Ang kanyang confinement sa isang ospital ay ipinaskil ni Manay sa kanyang Facebook page. Dalawang linggo na umano siyang naka-confine dahil sa
diabetes at kidney ailment.
 
Sabi ni DILG Director Ferro, mahigpit ang kanilang pagbabantay kay Many Sandra. Ibig sabihin ba ay naka-hospital arrest si Manay Sandra?
 
Kung iigi raw ang kalagayan ni Manay ay dadalhin siya sa Camp Crame (uy madaragdagan ang mga oragon sa custodial or detention facility ba ng Crame?) o sa ibang custodial area.
 
Pero umaangal ang mga taga-city jail sa sinabi ni Director Ferro. Sila raw ang lehitimong kakosa ni Manay Sandra dahil Manila RTC ang may hurisdiksiyon sa kasong isinampa laban kina Manay, et al.
 
BTW, nasaan na nga pala ang Boyito ni Manay na si Marco Martin Cam? Nasa Manila City Jail na kaya siya? Paki-feedback naman ang Bulabugin mga kakosa ni Manay Sandra diyan sa MCJ!
 
Tinatrabaho ba talaga ng mga lespu na maiharap sa husgado ang mga akusado sa kasong murder at frustrated murder?
 
Kung nasa ospital na hindi pinangalanan si Manay, nasaan si boyitong Marco Martin, at ang lima pang akusado sa nasabing mga kaso?!
 
Nowhere to be found na ba si boyitong Marco Martin, Director Ferro?
 
Heto po ang ilang impormasyon, sina Manay at ang kanyang mga kasama ay may kasong kinakaharap sa ilalaim ng Criminal Case No. R-MNL-21-02573-CR for Murder, no bail recommended; and Criminal Case No. R-MNL-21-02574-CR for Frustrated Murder with bail recommended fixed at P 200,000.00.
 
Tsk tsk tsk…
 
Kung no bail recommended ang kasong murder, malamang ma-stress nang husto si Manay Sandra kaya hindi agad makalabas ng ospital.
 
Sabi nga, ang kaigihan daw ng mga naaasunto ngayon nang walang piyansa at may comorbidities, may dalawa silang options, hoyo o hospicio.
 
Siyempre, sa mga may budget, mas pipiliin nila ang hospicio lalo na ngayong pandemya — naka-aircon na may guwardiya pa. Saan ka pa?!
 
Pero siyempre, hindi naman lifetime ‘yan, dahil kapag may problemang gaya niyan, nakababawas ng life span ‘yan.
Anyway, get well soon Manay Sandra. Pagaling na po dahil hinihintay na kayo ng mga lehitimo ninyong kakosa sa Manila City Jail.
 
Good luck.
 
 
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
 
 
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *