Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TV

More channels sa paglipat sa digital broadcast

UNTI-UNTI nang nagbubukas ang network sa Kamuning ng kanilang mga digital channel. Oras na maipatupad na ang paglipat natin sa digital broadcast, mas dadami talaga ang television channels, depende sa kakayahan ng network. Iyong isang frequency na dati ay nagagamit lamang ng isang estasyon sa analog broadcast, magagamit iyan ng hanggang anim na digital channels.

Sinimulan na nga iyan noon doon sa Mother Ignacia eh, nang mag operate sila ng ilang digital channels kaya sila naglabas ng blackbox, at nag-take over pa sa operation ng isang maliit na network na nagagamit din nila ang frequency, kaso naudlot nga sila nang mag-expire ang kanilang franchise at hindi na sila binigyan ng bago. Mali iyon naman iyong sabihing ipinasara sila, nag-expire ang kanilang franchise, at hindi sila binigyan ng bago para makapagpatuloy. Sa simula’t simula naman sinabi na kung ano ang gagawin sa kanila eh.

Sa pagdami ng mga channel, maaari ring makapag-blocktime ang ABS-CBN sa isa sa kanila para makabalik on the air kagaya nang dati, hindi man sila makakuha ng franchise. Pero hindi nila maaasahan diyan ang mga dati nilang kakompitensiya sa Kamuning siyempre. Maghihintay pa rin sila ng ibang networks.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …