Saturday , November 16 2024
Rep. Boying Remulla at the senate hearing on the implementatiin of the provincial bus ban and the national transportation safety board on August 13, 2019. Photo by Angie de Silva/Rappler

Boying Remulla, ipokrito – Ridon

IPOKRITO si House Senior Deputy Majority Leader Representative Jesus Crispin “Boying” Remulla sa pagbatikos sa paggamit sa social media para ipalaganap ang community pantries gayong siya mismo ay ginawa ito nang sumawsaw sa pamamahagi ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
 
Sinabi ito ni dating Kabataan partylist Rep. at Infrawatch PH convenor Terry Ridon sa kanyang Facebook post kahapon kaugnay sa umano’y pagpapakita ng ‘extreme ignorance’ ng ilang mambabatas hinggil sa layunin ng community pantries sa ginanap na House Human Rights Committee hearing on Community Pantries.
 
“House Senior Deputy Majority Leader Representative Jesus Crispin Remulla took a cheap shot at community pantries, stating that the public should be doubtful of groups using social media to showcase their public service,” ani Ridon.
 
“However, a cursory review of Congressman Remulla’s social media posts shows that it is him that engages in shameless self-promotion in distributing DSWD financial assistance, with one event showing a large backdrop with his name and picture prominently displayed,” dagdag niya.
 
Tila hindi aniya nakuha ng administration allies sa Kongreso ang memorandum na inilabas ni Interior Secretary Eduardo Ao tungkol sa pagtrato sa community pantries ng sangay ng ehekutibo at regular pa itong iniuulat ang kasalukuyang estado kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Binigyan diin ni Ridon, sa mahigit isang buwang operasyon ng may 6,715 community pantries ay nakapagbigay ng pagkain na nagkakahalaga ng isang bilyong piso sa 671,500 maralitang pamilyang Filipino kada araw na katumbas ng populasyon ng 10 congressional districts.
 
Tatlong beses na mas malaki ito sa 235,289 binigyan ng gobyerno na modified cash transfer beneficiaries.
 
“With community pantries effectively performing the duty of government to provide food security to our most marginalized families, high-level government officials should find ways of scaling the level of public service being done by community pantries, instead of crying like babies,” ani Ridon.
 
Sa pagdinig sa Kongreso kahapon ay nagtalo sina Remulla at Kabataan partylist Rep. Sarah Elago kaugnay sa red-tagging sa community pantries. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *