Tuesday , April 15 2025

Pondo ng Palasyo ‘nasasaid’ para sa pay parking

ni ROSE NOVENARIO

UNTI-UNTING nasisimot ang pondo ng ilang tanggapan sa Malacañang dahil kailangan magbayad nang malaki sa pay parking bunsod ng pagbabawal na makapasok ang mga sasakyan na hindi pula ang plaka o government plate number.

Ayon sa source, nag­simula ang implemen­tasyon ng naturang patakaran noong Marso 2021 nang ipatupad ang sariling radio frequency identification (RFID) ng Office of the President sa lahat ng gate sa Malacañang.

“Kahit opisyal ng gobyerno o service vehicle ng pamahalaan ay hindi makapapasok kung hindi pula ang plaka ng sasakyan kaya kailangang iparada sa parking na may bayad ang kanilang sasakyan,” sabi ng source.

Ang masaklap umano, pati ang mga sasakyan na may mga kagamitan o equipment ng pamahalaan na sensitibo at malaki ang halaga ay kailangan iparada sa pay parking na secured para siguradong hindi mananakaw o masisira,” anang source.

Inihalimbawa ng source ang mga van ng Radio Television Malaca­nang (RTVM) na fully equipped ng mamahaling gamit sa live coverage ng presidential events ay hindi pinayagang iparada sa loob ng Malacañang o sa harap ng gusali RTVM.

Dahil umano sa direktiba ng Office of the President (OP), kailangang gumasta ang RTVM ng mahigit P.1 milyon o P100,000 pam­bayad sa pay parking ng kanilang mga sasakyan.

Butas din ang bulsa ng ilang opisyal at empleyado sa Palasyo sa pagbabayad sa pribadong parking area.

“Sa halip na makatipid ang gobyerno sa panahon ng pandemya, nadagdagan pa ng malaking gastos dahil sa kapritso ng OP,” anang source.

Nang tanungin ang layunin ng OP sa “No RFID, No Entry,” ikinatuwiran umano ng isang undersecretary na ito’y para mapanatili ang “solemnity” ng Palace grounds.

“Hindi naman Vatican ang Malacañang Complex para panatilihin ang “solemnity,” giit ng source.

Napag-alaman na kahit noong umiiral ang martial law ng rehimeng Marcos, kahit ilang beses tinangkang pabagsakin ng kudeta ang gobyernong Cory Aquino at kahit sinugod ng Estrada loyalists ang Malacañang noong administrasyong Arroyo, hindi nagpatupad ng kagayang patakaran sa Malacañang Complex.

About Rose Novenario

Check Also

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *