Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marco Gomez, aminadong super-daring sa pelikulang Silab

INULAN ng mga papuri ang mga nasa likod ng pelikulang Silab na nagkaroon ng press preview last week.
 
Iisa ang feedback ng mga nakapanood na, ang pelikulang Silab ay panibagong obra ng award-winning director na si Joel Lamangan, at ang mga artista rito, sa pangunguna ng newbies na sina Cloe Barreto at Marco Gomez ay kapuri-puri ang performance.
 
Mahirap ang papel dito ni Cloe, bilang isang babaeng wild na naghahanap ng kakaibang init ng pagmamahal, na hindi niya makuha sa kanyang mister played by Jason Abalos. Si Marco naman ay malalim ang karakter na mai-inlove kay Cloe na misis ng best friend niya.
 
Kaabang-abang ang mga daring scene rito nina Cloe at Marco, na walang takot sa hinihingi ng kanilang papel. Crime of passion ang tema ng pelikula at dahil matino ito at balak isali sa mga international filmfest, kahit may frontal scenes sina Cloe at Marco rito, walang bahid ng kalaswaan ang na-feel ng mga nakapanood dahil kailangan talaga ito sa kabuuan ng pelikula.
 
Nang makapanayam namin si Marco, masaya siya sa kinalabasan ng kanilang launching movie ni Cloe.
 
Aniya, “Sa totoo lang po, I am very lucky and proud na maging part of the movie Silab. I have a very good feeling about this movie. I hope this will be my biggest break. At first I fell in love with the story. The good thing about the movie is, there are a lot of twists. There where no spoilers in the trailer. Kung anong nakita n’yo sa trailer, mas marami pang dapat abangan sa kabuuan ng movie.”
 
Ano ang kanyang reaction sa pagiging super-daring niya sa movie? Nag-all the way daw sila ni Cloe rito?
 
Saad ni Marco, “Opo, totoo po, hahaha!” Dagdag niya, “It is very daring. I mean, you can see my butt in the trailer. There is a lot more than that at the full version, hehehe.”
 
Ang Silab ay handog ng 3:16 Events & Talent Management ni Ms. Len Carrillo. Tampok din dito sina Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Christine Bermas, at iba pa.
 
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …