PIPILAYAN ng gobyerno ang kakayahang pinansiyal ng mga tinaguriang terorista sa pamamagitan ng Anti-Terror Council (ATC).
Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pagsasapubliko ng ATC ng terror list kahapon na nagtataglay ng mga pangalan ng umano’y 19 na matataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), at 10 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang extremist groups.
Ang terror list aniya ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang mga ari-arian at pondo na may kaugnayan sa pagpopondo ng terorismo.
“Importante po ‘yan dahil kung sila po ay walang pondo e hindi na po nila maipagpapatuloy ‘yung kanilang terroristic acts among others,” aniya sa virtual Palace press briefing kahapon.
Binigyan diin ni Roque, ang papel ng ATC sa pagkilala sa mga terorista ay alinsunod sa mga resolution na inilabas ng United Nations Security Council (UNSC).
“Hindi lang po Filipinas ang nagbibigay ng depenisyon sa terorismo. Those who instill fear and terror in the minds of the public through violent means is a terrorist,” sabi ni Roque.
“At pagdating naman po sa mga lokal na terorista, alam po natin kung sino sila dahil bagama’t mayroon tayong demokrasya, bagama’t mayroon tayong party-list system, patuloy pa rin ang paggamit ng armas para makamit ang kanilang mga layunin,” dagdag niya.
Ang ATC resolution na nagsasaad ng terror list ay nilagdaan nina Executive Secretary ATC Chairperson Salvador Medialdea at ATC Vice Chairperson Hermogenes Esperon noong 20 April 2021.
Giit ni Roque, walang dapat ipangamba ang mga mamamayan sa terror list dahil hindi ito nangangahulugan na kapag kritiko ng pamahalaan ay isasama sa listahan.
“Kasama po sa ginagarantiyang karapatan, ang freedom of speech and freedom of liberty, ‘yung ating tinatawag na due process clause. ‘No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law’,” dagdag niya. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …