Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine parang kapatid lang ang mga anak — ‘Di ako nagpapaganda, wala lang akong problema

NAGLABASAN ang maraming mother’s day celebration photos at videos. Lahat yata ng artista mayroon. Pero ang nakatawag nga ng pansin ay ang mga picture ni Sunshine Cruz at ang kanyang mga anak.

Nagkakatanungan nga kasi sila. Sino ba ang nanay sa picture? Kasi sa totoo lang naman, akala mo kapatid lang ni Sunshine ang kanyang mga anak.

Siguro nga sabi nila, sa panahong ito ay wala siyang masyadong problema, kaya naman lalo siyang gumaganda.

“In a way siguro totoo iyon. Wala naman akong ginagawang iba. Iyong exercise ko usual lang naman. Wala naman akong ginagawang ibang pagpapaganda, siguro proper hygiene lang, pero ang malaking bagay talaga ay wala akong konsumisyon ngayon. Wala akong problema.

“Hindi be there was a time na pumayat ako at maski kayo nagtatanong kung bakit ako ganoon. Wala naman akong masabing dahilan kung hindi konsumisyon, mga pressure sa buhay. Noon talaga iba na ang nangyayari eh, kaya nagdesisyon akong humiwalay, tapos sunod-sunod naman ang iniintindi kong kaso sa korte, hanggang sa natapos na ngang lahat, ang pinakahuli iyong annulment ng kasal namin.

“Noon lang matapos lahat iyon at saka ko naramdaman na normal na ang lahat. Ang iniintindi ko na lang iyong mga anak ko, at wala naman akong problema sa kanila. Mababait na bata naman ang mga iyan. Noon din naman ako nagsimulang naka-recover. Malaking bagay talaga iyong wala kang stress.

Naka-move on na rin naman ako. Ngayon wala na akong inaasahang kahit na ano para sa mga anak ko. Responsibilidad ko na sila, at salamat naman sa Diyos, hindi ako nawawalan ng trabaho. Basta naman kasi ang trabaho mo gagawin mo nang maayos at wala kang kalokohan, hindi ka mawawalan ng trabaho. Ngayon ok na ok na ako,” mahabang paliwanag ni Sunshine.

May nagtatanong naman, kung hindi pa ba niya naiisip na magkaroong muli ng permanent partner in life?

“Naniniwala ako na darating din iyon in time. Wala na namang dahilan para magmadali ako sa bagay na iyan. Mas mabuti na ang lahat ay nasa ayos bago ang kahit na ano pa man,” sabi pa niya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …