Sunday , December 22 2024

Special audit sa Beneco, aprub sa Palasyo

PABOR ang Malacañang na magsagawa ng special audit sa Benguet Electric Cooperative (Beneco) upang mabatid kung may katotohanan ang impormasyong may ikinukubling anomalya kaya ‘hinaharang’ ang pagtatalaga sa isang lady Palace executive bilang general manager ng kooperatiba.
 
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isang abogado at dating special investigator sa Office of the Ombudsman si Communications Assistant Secretary Marie Rafael kaya kapag naitalaga siya bilang general manager ng Beneco ay tiyak na mabibisto niya kung may alingasngas sa kooperatiba.
 
“Kung mayroon pong kababalaghan diyan sa Beneco e siguradong lalabas po iyan, at sana hindi naman ito ang dahilan kung bakit mayroong mga humaharang sa kaniya,” sabi ni Roque sa virtual Palace press briefing kahapon.
 
Ang Beneco ay inorganisa noong 1973 at nagkakahalaga sa kasalukuyan ng halos P4 bilyon at nagsisilbi sa 203,000 customers na binubuo ng households at mga negosyo sa Baguio at 13 bayan sa Benguet.
 
May isang mini-hydroelectric facility ang Beneco sa Buguias, Benguet.
 
Nanawagan si Roque sa Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc. (Philreca) partylist group na igalang ang desisyon ng National Electrification Administration (NEA) board of administrators (BOA) na irekomenda si Rafael bilang general manager ng Beneco at hindi si Melchor Licoben, ang acting manager ng kooperatiba.
 
“Ang aking panawagan po sa mga electric cooperatives, mayroon pong proseso na sinusunod at doon sa proseso po mayroong isang mas malaking body na nagno-nominate po kung sino ang maa-appoint na members ng Board of Directors at nakaupo naman po riyan ang representante ng ating Pangulo na Secretary of Energy, si Secretary [Alfonso] Cusi,” ani Roque.
 
Giit ni Roque, wala siyang nakikitang dahilan kung bakit pinipigilan ang pag-endoso kay Rafael gayong dumaan ito sa tamang proseso.
 
“E lahat naman po ng mga korporasyon na may kinalaman ang gobyerno, lalo na iyong under regulation ng gobyerno, e dapat naman po sinusunod ang proseso kasi importante po iyong pananagutan. At kung dumaan naman po sa proseso, walang kahit sino na dapat maging hadlang para maipatupad ang tamang proseso,” dagdag niya.
 
Batay aniya sa ulat, nagpasya ang NEA board na iendoso si Rafael dahil mas mataas kay Licoben ang nakuha niyang puntos sa final interview.
 
Nakakuha ng score na 82.75 porsiyento si Licoben kompara sa 94 porsiyento ni Rafael, base sa NEA Board Resolution No. 2021-47.
 
“Mayroong isa na talagang napakataas ng score na nakuha – 90 plus ‘no. Opo, kilala ko po siya, kasama po natin siya sa government communications, si Asec. Rafael. Pero since ganiyan naman po ang naging resulta ng proseso, dapat naman po igalang,” sabi ni Roque.
 
Sa isang kalatas, umapela si Rafael sa ilang director at opisyal ng Beneco na itigil ang pang-iintriga at pagtuunan ng pansin ang paggampan nang wasto sa kanilang tungkulin.
 
“Let’s stop the intrigues and the bickering and get back to work because we owe it to the Member Consumers and Paying Consumers of Beneco,” aniya.
 
Tiniyak niya na igagalang anoman ang magiging desisyon ng NEA.
 
“For now, since the BOA Resolution 2021-047 has been released, I will respect the authority of the National Electrification Administration (NEA) and subject myself to the wisdom of the Board of Directors of Beneco, that is, to confirm or reject the BOA Resolution,” dagdag ni Rafael.
 
“I have good intentions to work for Beneco and I do not have any business interests that are in conflict with the business transactions of Beneco,” aniya. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *