ni Rose Novenario
“PRESIDENT Duterte should now resign immediately to keep his word of honor.”
Inihayag ito ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio matapos mangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibitiw kapag napatunayang nagsinungaling sa paratang na nagsabwatan ang dating mahistrado at si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario para paatrasin ang mga barko ng Philippine Navy upang maibigay sa China ang Scarborough Shoal.
“Mayroon man ‘yong abogado talaga na maski sinong abogado tanungin ninyo, iyan ang nangyari. Ngayon, kung ako ‘yong nagsisinungaling, mag-resign ako bukas kaagad. Iyan ang garantiya ko sa inyo,” sabi ng Pangulo sa kanyang public address kamakalawa.
Iginiit ni Carpio na wala siyang kinalaman sa desisyon na paatrasin ang PN ships mula sa West Philippine Sea (WPS) noong 2012 Scarborough Shoal standoff.
“I state under oath that I was never involved in the decision to withdraw Philippine Navy ships from the West Philippine Sea during the 2012 Scarborough standoff. I was serving in the Supreme Court at that time and all I knew about the withdrawal of Philippine Navy ships was what I read in the newspapers,” ani Carpio sa isang kalatas kahapon.
Kumasa si Carpio sa hamon sa kanya ni Pangulong Duterte na magdebate kaugnay ng WPS issue.
“Itong Carpio naman, sulat nang sulat ng mga decision para sa kanyang utak lang. Isa rin ugok itong… Bak… Supreme Court justice pareho man tayo abugado. Gusto — e gusto mo mag-debate tayo? Mga dalawa, tatlong tanong lang ako. Sino ang nagpa-retreat? At anong ginawa ninyo after sa retreat? Nag-file ng kaso. Ngayon nanalo. Ma-enforce ba natin?” anang Pangulo.
Ikinatuwa ni Carpio ang alok ng Philippine Bar Association (PBA) na maging host ng debate nang libre at magbigay ng “balanced arena.”
Ang PBS, ang “oldest organization of lawyers” sa Filipinas.
“The Filipino public will benefit immensely from a frank and straightforward discussion on a matter that affects the entire citizenry,” anang PBA sa isang statement. ###
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …