Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Goma tumino kay Lucy

SINA­SABI ni Mayor Richard Gomez, naging faithful naman siya sa kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez at hindi na siya tumingin kanino mang babae simula nang ligawan niya iyon.

Totoo iyan. Kami kabisado namin ang kapilyuhan ni Mayor Goma noong araw, at talagang nangyayaring may tinitingnan pa iyang iba kahit na may girlfriend na. Hindi mo rin naman siya masisisi dahil marami namang babae ang nagpapapansin pa kahit alam na may girlfriend na siya.

Pero lahat iyon natigil nang dumating sa buhay niya si Lucy. Sinasabi nga noon ng kanyang yumaong manager na si Douglas Quijano, ”tumino si Goma kay Lucy.”

At saka nawala na rin naman iyong mga nagpapapansin kay Goma, aba mabigat na katapat si Lucy na bukod sa napakaganda nga ay kinikilala ang buong pamilya.

Live selling click ngayong pandemya

USONG-USO ngayon ang live selling sa internet. Karamihan ay mga garment na kung sabihin nila ay “overruns.” pero sa totoo lang imitasyon ng mga original. Ganyan din ang itinitinda sa Divisoria at sa Greenhills, puro imitasyon lang iyan kaya mura, ngayon nga naibebenta pa nila nang mas mahal sa internet.

May isa pa ngang nagla-live selling na nakikitang namimili sa Baclaran. Mayroon namang kumukuha ng mga ukay-ukay sa Zurbaran at Bambang market. Iyong ukay-ukay na naibebenta lang ng P20, sa kanila naipapasa pa nila ng P500, kasi nga mga personalities ang nagla-live selling.

Pero nasa tao naman kung bibili sila o hindi. Sa presyo alam mong hindi original iyon,o ukay-ukay nga iyon. Hindi ka naman pilipilit eh, nasa iyo na iyon kung bibili ka.

Sa panahon ng pandemya, lahat rumaraket na lang. Wala nang trabaho eh. Wala ring ayuda.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …