Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NAGSAGAWA ng virtual event si Taguig-Pateros Congressman Allan Peter Cayetano kasama si Laguna 1st District Dan Fernandez para sa “Sampung Libong Pag-asa.” Namahagi ng P10,000 cash assistance sa napiling 200 benepisaryo sa Barangay Kanluran, Sta. Rosa, Laguna at sa 12 iba’t ibang lugar sa Filipinas, kasabay ng pagdiriwang ng International Labor Day. (ERIC JAYSON DREW)

Habang nakabinbin sa Kamara P10,000 ayuda sinimulang ipamahagi ni Cayetano

INILUNSAD ang Nationwide Bayanihan Project ng pamahalaang lungsod ng Taguig, na 200 pamilyang benepisaryo mula sa ilang lugar sa bansa ang nabiyayaan ng P10,000 ayuda para sa mga labis na naapektohan ng pandemya.
 
Kasabay ng paggunita ng Araw ng Paggawa, sinimulan sa lungsod ng Taguig at 12 lungsod at lalawigan sa bansa ang isinagawang simultaneous na pamamahagi ng tulong.
NAGSAGAWA ng virtual event si Taguig-Pateros Congressman Allan Peter Cayetano kasama si Laguna 1st District Dan Fernandez para sa “Sampung Libong Pag-asa.” Namahagi ng P10,000 cash assistance sa napiling 200 benepisaryo sa Barangay Kanluran, Sta. Rosa, Laguna at sa 12 iba’t ibang lugar sa Filipinas, kasabay ng pagdiriwang ng International Labor Day. (ERIC JAYSON DREW)
 
Ang Nationwide Bayanihan Project, may temang “Sampung Libong Pag-asa” na inorganisa ng tanggapan ni dating house speaker Congressman Alan Peter Cayetano, ay naglalayong patuloy na maipamahagi ang P10,000 ayuda sa higit 200 benepisaryo na lubhang naapektohan ng pandemya.
 
Pinangunahan ni 2nd District Rep. Lani Cayetano ang pagbibigay ng P10,000 cash sa 10 pamilya sa Taguig at iba pang opisyal sa magkahiwalay na lugar kabilang ang Caloocan City, Marikina City, Quezon City, Mandaluyong City, Taguig City, Pateros, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Antipolo City, Ormoc City, at Camarines Sur.
 
Matatandaan, patuloy na isinusulong ni Cayetano ang P10,000 cash bilang ayuda na sinusuportahan ng iba pang kongresista para sa mga naapektohan ng pandemya.
 
Hinihintay na lamang na maipasa ito sa Kongreso ngayong buwan. (JAJA GARCIA)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …