Monday , May 20 2024

Digong tinurukan ng bakunang made in China

TINURUKAN kagabi ng CoVid-19 vaccine na gawa ng Chinese state firm Sinopharm si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
 
Inilathala ni Sen. Christopher “Bong” Go sa kanyang Facebook page ang video ng pagpapabakuna ni Pangulong Duterte sa kanyang kaliwang braso kay Health Secretary Francisco Duque III dakong 6:59 kagabi.
 
“Pumayag dok n’ya,” sabi ni Go sa kanyang text message sa mga reporter.
 
Nauna rito’y binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate use ang 10,000 doses ng Sinopharm vaccine para sa mga miyembro ng PSG ilang linggo makaraan ibulgar ni Pangulong Duterte na nabakunahan na ang mga sundalo noon pang Setyembre 2020.
 
Ang hakbang ng FDA, ay matapos ibisto ni Ramon Tulfo sa kanyang kolum sa Manila Times na ipinahiram niya ang kanyang cellhone kay Pangulong Duterte para kausapin ang Sinopharm representative sa bansa.
 
Isiniwalat niya na hiniling ng Pangulo na bigyan siya ng samples ng CoVid-19 vaccine para sa sarili at sa kanyang pamilya.
 
Inamin ni Tulfo, siya at ilang hindi tinukoy na mga opisyal ng gobyerno ay naturukan ng Sinopharm CoVid-19 vaccine noong OKtubre 2020.
 
Ikinuwento niya umano sa Pangulo na wala siyang naramdamang masamang side effect sa bakuna. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

prison rape

No. 8 most wanted ng Vale
RAPIST TIMBOG

ARESTADO ang isang lalaki na ika-walo sa talaan ng most wanted persons (MWPs) sa isinagawang …

arrest, posas, fingerprints

P.3-M droga nasamsam sa anti-drug ops,1 HIV, 3 adik, timbog

HULI ang apat na drug suspects, kabilang ang isang high value individual (HVI) nang makuhaan …

shabu drug arrest

2 tulak dinakip sa P850K shabu

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang pinaghihinalaang tulak makaraang makompiskahan ng P850,000 …

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *