Sunday , April 27 2025

Community pantry ‘hinaydyak’ ni Año (Batikos para maiwasan ng gobyerno)

 
ni ROSE NOVENARIO
 
KAHIT inisyatiba ng pribadong sektor ang nagsulputang community pantry sa buong bansa, naglabas ng guidelines ang Department of the Interior ang Local Government (DILG) para sa operasyon nito.
Iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang itinakdang pamantayan ng kagawaran sa community pantries ay upang matiyak ang pagsunod sa health and safety protocols, mapanatili ang peace and order habang umiiral ang CoVid-19 pandemic.
 
“Itong community pantry ay isa sa puwedeng maging dahilan… na pwedeng dito magsimula ang surge or spike kapag ‘di nasunod ang minimum health standards. Kaya kailangan, mayroong standards na sinusunod… Both ang organizers at ang beneficiaries, at ang mga nagpapatupad ng ating mga batas,” sabi ni Año sa Talk to the People ni Pangulong Duterte.
 
Nauna rito’y umani ng batikos ang administrasyong Duterte sa kapos na ayuda sa mga mamamayang naapektohan ng pandemya kaya nagtitiis pumila sa community pantries para maitawid ang pang-araw-araw na pagkain ng pamilya.
 
Upang magkaroon ng basehan para sitahin o kompiskahin ang anomang political propaganda material sa community pantries, nagtakda si Año ng “Anti-Epal policy” o ang pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno at iba pang indibidwal na ‘gamitin’ ang nasabing aktibidad para isulong ang layuning personal, politikal o kahit propaganda.
 
“Hindi po natin papayagan na magkakaroon ng epal o… Maglalagay ng anumang signage, billboards, posters bearing pictures, pangalan, o images ng mga tao na nagsasagawa ng community pantry, lalo na po ang politicians na gusto pumapel dito sa community pantry,” aniya.
 
Magugunitang ilang beses napaulat ang ginawang profiling at red-tagging sa mga organisador ng community pantries na naging sanhi ng pag-alma ng mga senador sa kanila at nagbunga ng iringan kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokespersons Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr.
 
Binigyan diin ni Año, hindi kailangan kumuha ng permit mula sa lokal na pamahalaan para makapagtayo ng community pantry.
 
Nagtagubilin ang DILG sa mga organizer at lokal na pamahalaan na laging ipatupad ang pagsusuot ng facemasks at face shields, physical distancing, bawal ang pamimigay ng alak at sigarilyo, huwag maningil sa beneficiaries, pagkakaroon ng koordinasyon ng organizers at LGU at igalang, protektahan ang karapatan ng lahat ng kalahok sa community pantry.
 
Sa ginanap na oral arguments sa Korte Suprema kaugnay sa Anti-Terror Act, ipinahiwatig ni Assistant Solicitor General Raymund Rigodon na posibleng madiin sa paglabag sa ATA ang mga promotor at donors ng community pantry at iba pang charity works maging ang mga isinusulong ng Simbahan.
 
Paliwanag ni Rigodon, alinsunod sa ATA, ang sinomang nagbibigay ng suportang materyal ay dapat alam kung ang tinutulungan niyang grupo o indibidwal ay sangkot sa terorismo o nagsusulong ng terorismo.

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *