Monday , December 23 2024

Erap nakauwi na ng bahay

KAMAKALAWA matapos ang isang buwan din pala sa ospital, nakauwi na rin sa kanyang tahanan si dating presidente Erap Estrada. Matagal din ang kanyang pakikipagbuno sa Covid19. Dalawang beses din naman siyang ibinalik sa ICU nang lumala ang kanyang pneumonia.

Kung titingnan ninyo, mas may edad na ‘di hamak si dating Presidente Erap kasa kay Victor Wood at lalo na kay Claire dela Fuente. Pero iyong dalawa ay hindi nakatagal at bumigay sa Covid. Hindi na natin kailangang sabihin na mas malakas kasi ang loob ni Presidente Erap, at paniniwala na malalampasan niya ang Covid. Sabi nga ng isang pulmonary doctor na kaibigan namin, naapektuhan din siya ng pneumonia na natural sa may Covid. Pero kung papansinin mo nga si Victor Wood at si Claire, pareho silang nagkaroon ng atake sa puso na sinasabing nagsimula sa depression na kanilang naramdaman nang tamaan ng Covid.

Sabi nga, ang mga tinamaan ng Covid ay dapat na may lakas ng loob at lubos na tiwala na malalampasan nila iyon at makakaya naman talaga. Kung pagbabatayan mo nga ang statistics, ang mga namamatay sa Covid ay isang porsiyento lamang ng bilang ng mga gumagaling.

Isa pang magandang example riyan ay si Sunshine Cruz, nag-home quarantine lamang siya, nagkaroon din ng kaunting depression. Sino ba naman ang hindi made-depress noong nakakulong ka? Iyong iba nga walang Covid pero dahil sa lockdown nabuburyong eh. Pero ang sabi nga ni Sunshine, ang naging driving force niya ay ang alalahanin na hindi siya maaaring sumuko sa Covid dahil kailangan siya ng mga anak niya.

Inabot din ng 21 days ang quarantine ni Sunshine, pero simple lang at ngayon ay Covid free na siya. Eh ilang artista na ba ang gaya ni Sunshine, gumaling kahit sinasabing wala pang gamot laban sa Covid, at hindi rin naman nabakunahan. At sinasabi ng mga doctor na maski na mabakunahan ka na, puwede ka pa ring tamaan ng Covid.

Kaya ang sinasabi nga namin, huwag kayong masyadong matakot, pero kailangang mag-ingat laban sa Covid. Hindi rin dapat isipin na kung kayo ay magkakaroon ng Covid, iyon na ang magiging katapusan ng lahat.

Kailangang manatiling malakas ang ating loob at magtiwala sa Diyos na Siya lamang makatutulong sa atin sa mga ganitong panahon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *