Wednesday , May 7 2025

Parlade, Badoy ‘binusalan’ ni Esperon (Manahimik kayo!)

ni ROSE NOVENARIO

BINUSALAN ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., ang dalawang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bunsod ng walang habas na red-tagging sa mga promotor ng community pantry.

Halos isang linggo nang inuulan ng batikos sina Lt. Gen. Antonio Parlade at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy, parehong taggapagsalita ng NTF-ELCAC, dahil inuugnay sa kilusang komunista ang mga community pantry na yumabong sa buong bansa

Sinabi ni Esperon, pinagsabihan niya sina Parlade at Badoy na itigil ang paglalabas ng mga pahayag kaugnay sa community pantries.

Aniya, ang opisyal na paninindigan ng NTF-ELCAC ay suportahan at himukin ang bayanihan/community pantries.

“I have earlier asked the two spokespersons to desist from issuing further statements on the community pantries. The official stand of the NTF-ELCAC is to support and encourage bayanihan/community pantries,” sabi ni Esperon.

Dahil napundi maging ang mga senador kina Parlade at Badoy, nagbabala silang tangga­lan ng pondo ang NTF-ELCAC

Binuweltahan ni Parlade ang mga senador at tinawag silang ‘stupid’ nang magbabalang baba­wiin ang P19-B pondo ng ELCAC.

Upang maiiwas sa galit ng mga senador ang NTF-ELCAC ay naka­handa umano si Parlade na magbitiw bilang spokesperson ngunit walang natanggap na resignation letter si Esperon mula sa kanya.

Umapela si Esperon na huwag tanggalan ng budget ang NTF-ELCAC, na halos nakalaan umano para sa barangay development program sa pagsugpo sa rebelyon at terorismo.

“The failure to deliver this program would not just mean frustration among us at NTF-ELCAC and the principles that we stand for. Rather, the failure to deliver the Barangay Development Program to the formerly conflicted communities that need it most is tantamount to abandoning their aspirations for a dignified life,” aniya.

SPECIAL AUDIT
SA NTF-ELCAC,
HIRIT NG MGA
KONGRESISTA

NAPIKON na rin ang mga kongresista sa ginawang profiling at red-tagging ng NTF-ELCAC kaya’t humirit sa Commission on Audit (COA) na isailalim sa ‘special audit’ ang P19-B budget nito.

“We want NTF-ELCAC officials to give details as to where and how the funds are being used and how their vilification tactics translate to having more communist rebels turning their backs on insurgency,” sabi ni House Deputy Speaker Mikee Romero.

“The rampant unlawful profiling and obvious red-tagging of organizers of community pantries by officials of the NTF-ELCAC are simply too wicked to be ignored by the members of this august chamber,” dagdag ni Romero.

Giit niya, puwedeng ilipat ang malaking bahagi ng pondo ng NTF-ELCAC sa direktang ayuda sa mga nawalan ng trabaho bunsod ng pandemic, pagsasaayos ng kapabilidad ng contact tracing at ipambili ng dagdag na mga kama para sa mga pagamutan.

“Some may also go to upgrading the capabilities of our armed forces and the Philippine Coast Guard to guard our maritime borders,” aniya.

Hiniling ni overseas workers affairs committee vice chairperson Jocelyn Tulfo sa COA at National Privacy Commission na magsagawa ng special audit sa NTF-ELCAC.

Aniya, ang profiling at red-tagging nina Parlade at Badoy ay dapat maging daan upang repasohin ng Kongreso at Palasyo kung paano ginasta ng NTF-ElCAC ang P19-B pondo nito.

BADOY INIREKLAMO
NG HEALTH WORKERS
SA CHR

NAGSAMPA ng reklamo ang Alliance of Health Workers (AHW) sa Commission on Human Rights (CHR) laban kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy, sa ginawang red-tagging sa kanilang organisasyon at sa kanilang mga lider.

Masidhing kinondena ng AHW ang walang pakundangang red-tagging ni Badoy sa kanilang grupo na may layuning takutin at patahimikin sila sanhi ng pag-alma sa kalunuus-lunos na sitwasyon ng mga manggagawang pang­kalusugan sa panahon ng pandemya at health crisis.

“We are saddened by this red-tagging issue, that in the midst of pandemic wherein we risk our lives and health in fighting the deadly virus, some of our fellow health workers have already died just to combat the CoVid-19 and yet we are being maliciously attacked and accused of being terrorists by Ms. Badoy and the entire NTF-ELCAC,” ani Benjamin Santos, AHW Secretary General.

Sa ginanap na dialogue ng health workers kamakailan kay Health Secretary Francisco Duque III, tinalakay ang red-tagging issue at nangako ang Kalihim na ipararating kay Pangulong Duterte ang usapin.

“According to DOH Secretary Duque, ‘ay ipaparating ko kay Pangulong Duterte ang usapin ng pangre-redtag sa (mga) health workers.’”

Dagdag niya, “dapat hindi nire-redtag ang mga manggagawang pangka­lusugan na nagsisilbing makabagong bayani sa makabagong panahon,” anang AHW sa kalatas.

Nanawagan ang AHW kay Badoy na magpaka-doktor, tumulong sa paglaban sa CoVid-19 at itigil ang red-tagging sa mga kapwa niya health workers.

Kasabay ng letter of complaint sa CHR, hiniling rin ng AHW sa komisyon na magsagawa ng masusing house inspection sa bahay ng kanilang lider gayondin sa tanggapan ng organi­sasyon upang ipakita na wala silang itinatagong mga baril at pampa­pasabog.

“We will not allow that while we promote the welfare of health workers for protection, safety and well-being, what the Duterte government is answering us with red-tagging, and possibly be followed by illegal arrest and detention, planting of explosive in homes and offices, filing of fabricated lawsuits and extrajudicial killings.”

About Rose Novenario

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *