Thursday , December 26 2024

Fake news ‘sinopla’ ni Patreng (Parlade desperado sa community pantry)

ISANG desperadong hakbang ang pag-uugnay sa kanya sa komunistang grupo o red-tagging, ayon kay Anna Patricia “Patreng” Non, ang promotor ng ‘Community Pantry movement.”

Sa panayam kay Patreng sa The Chiefs sa One News kagabi, sinabi niyang masya­dong desperadong hakbang ang kumalat na video sa social media account ng Duterte Diehard Supporters (DDS) na isang Lady “Ka Shane” Miranda, tinukoy siya bilang dating miyembro ng komunistang grupo sa Central Luzon.

“Nakatatawa, ayo­ko seryosohin, very desperate, saan naman hinugot si ate? Hindi kita kilala, ‘Te,” ani Patreng.

Nauna rito’y inamin ni Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., taga­pagslita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagsasagawa siya ng background check sa mga sangkot sa community pantry kahit itinanggi nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na wala silang direktiba sa pulisya na isailalim sa profiling ang mga nasa likod ng community pantry.

Tinawag na fake news ni Patreng ang mga pahayag ni Parlade na may ibang nakapaskil na laban sa gobyerno sa community pantry sa Maginhawa St., Teachers Village, Quezon City, na wala sa iba.

Binuweltahan din niya ang heneral nang ikompara siya kay Satanas na nagbigay ng mansanas kay Eva kaya nagsimula ang kasa­lanan sa sanlibu­tan.

“Ikinompara niya ako kay Satan, sa akin wala po akong pakialam, hindi naman totoo pero dine-discredit din n’ya ‘yung mga taong nag-effort dito. ‘Wag naman pong ganoon kasi kawawa naman ang mga tumu­long sa likod nito,” giit ni Patreng.

Sinabi rin ni Parlade na walang dapat ikatakot si Patreng sa background check ng NTF-ELCAC kung wala siyang itinatago.

Tugon ni Patreng, “Ang sagot ko, bakit nila ako tinatakot kung wala akong ginagawang masama?”

Ilang beses aniyang ipinagtatanong ng mga pulis ang kanyang contact number, anong organisasyon ang kinaaaniban, civil status, address, sinong kasama sa bahay kaya nagpasya siyang itigil ang operasyon ng kanyang community pantry noong Martes.

Tiniyak aniya ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na suportado ang community pantry kaya’t kahit may seryo­song banta sa kanyang seguridad ay itinuloy niya ang pamamahagi ng pagkain simula kahapon.

“Siyempre po may takot po sa akin, hindi mawawala ‘yun. Pero kasi kapag may nang­yaring masama sa akin, paano na po ‘yung iba po? Ano ba naman ‘yung threats na ‘yun, pagkain lang naman ang hawak ko rito,” wika ni Patreng.

Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang simulan ni Patreng ang community pantry na nagmistulang kilusan ng pagkakawanggawa na umabot na sa mahigit 300 sa buong Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *