Wednesday , December 25 2024

Pandemya magtatagal pa, buhay tsambahan lang — Duterte

MULING nagpakita ng ‘pagkahapo’ si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng bansa sa panahon ng CoVid-19 pandemic.

Inamin ng Pangulo na walang sapat na supply ng bakuna sa buong mundo kaya magtatagal pa ang narara­nasang pan­demya at marami ang magbubuwis ng buhay.

“Now, ngayon hintay tayo nang hintay. Itong vaccine na itong pinag-usapan natin ganito, wala sana ito kung mayroong vaccine available. E wala. Hanggang ngayon the word “unavailable” is nandiyan. Unavailable because there are not — there’s no sufficient supply to inoculate the world. Matagal pa ito. Sabihin ko sa iyo marami pang mamamatay dito. Hindi ko lang maturo kung sino,” aniya sa Talk to the People kagabi.

Iginiit niya na ang buhay ay tsambahan lang at hindi maililigtas ng tao ang sarili sa pamamagitan ng pagmumura sa kanya bilang Pangulo ng Filipinas.

“Kasi itong buhay naman patsambahan lang e. It’s either ngayon ka, bukas ako; ngayon ako, bukas ka. Ganoon lang ang laro riyan. No amount of curses, no amount of epithets ‘yong pang ano mo, mga pagmumura mo will save you. Whether you like it or not, the day will come when you shall have died,” dagdag niya.

Inulit niya ang bantang ite-takeover ng gobyerno ang operasyon ng mga hotel at motel kapag lumala ang sitwasyon pero wala naman siya binanggit kaugnay sa kakulangan sa health workers na sasagupa sa CoVid-19 at paano tutuldukan ang kanilang kalbaryo gaya nang pagkakait sa kanilang benepisyo ng Department of Health (DOH).

Hindi naitago ni Bagong Alyansang Maka­ba­yan (Bayan) secretary-general Renato Reyes ang kanyang pagkadesmaya sa mahigit isang oras na Talk to the People kagabi.

Ginamit aniya ang okasyon upang magbida ang ilang miyembro ng gabinete, nagbolahan lamang sa harap ng publiko pero walang binanggit na solusyon sa krisis sa CoVid-19.

“Itong Cabinet meeting, okasyon para magpabida ang mga sec (kalihim ng gabinete) na may ginagawa sila. Bolahan lang. Pero ‘yung totoong malalang pro­blema, hindi binabanggit at wala rin solusyon. Ang inaantay namin, pandemic response. Si Tugade nagbibida sa naitayong airport. Jusko, may maibida lang. Kaya walang kuwenta ang mga Cabinet meeting na ganito e. Puro pabida lang. Walang nalulutas na problema sa pan­demya,” sabi ni Reyes sa kanyang Facebook post.”

“Hoy Tugade, ‘yung jeepney drivers nama­mamlimos pa rin sa kalsada, anong ginaga­wa mo para tulungan sila? Puro ka riyan airport. ‘Yung nagduru­sa sa pandemya ‘di mo tulungan.”

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *