Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duque sinungaling — health workers

UMALMA ang medical frontliners sa anila’y tahasang pagsisinungaling ni Health Secretary Francisco Duque III na binabantayan nang husto ng Department of Health (DOH) at dalawang beses isinasailalim sa CoVid-19 swab test ang health workers.

Dinagsa ang social media platform Twitter ng mga pagbatikos kay Duque makaraang mapanood sa telebisyon ang kanyang ‘imbentong’ ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte na regular na imino-monitor ng DOH ang kapakanan ng health workers noong Lunes ng gabi sa Talk to the People.

“Calling out this blatant lie now: no, this is not true. Since last year, I was only ever tested twice. Twice in an entire year. Colleagues in other hospitals have pretty much the same experience,” ayon sa tweet ng isang doktor.

Hinamon si Duque ng isa pang doktor na magpakita ng ebidensiya sa ini-report kay Pangulong Duterte.

“Sige nga show us the evidence,” tweet ni Dr. Leonard Pascual.

Nagpahayag ng pagkabahala ang Punong Ehekutibo kaugnay sa panganib na kumalat ang CoVid-19 sa pamilya ng medical frontliners bunsod ng madalas na exposure sa virus.

“Tama po kayo, Mr. President, iyong atin pong healthcare workers ay binabantayan po natin sila at ang mga ospital, every two weeks ay tine-test po sila para nang sa ganoon ay malaman kung sila po ba ay positive,” tugon ni Duque sa Pangulo.

“At kung may sintomas din sila ay kaagaran naman pong sila ay ina-isolate or kung positive sila at mayroon pong exposure pero walang symptoms, kina-quarantine po sila,” dagdag ni Duque.

Sa ipinadalang liham kay Pangulong Duterte kamakalawa ng Alliance of Health Workers (AHW), hiniling nila ang dialogo sa Punong Ehekutibo bukas, 16 Abril, upang mailahad ang kanilang mga hinaing.

Layunin nilang matuldukan ang kanilang kalbaryo dahil hindi ibinibigay ng DOH ang kanilang mga benepisyo ngayong pandemya at ang kanilang Performance Based Bonus mula 2018 hanggang 2020 ay hindi pa rin nila natatanggap.

“We appreciate compliments and recognition as we combat this war on CoVid-19 but what we need right now is support and protection. For more than a year now, we have selflessly offered our health and live to overcome this pandemic. Thus, it is only right to sincerely  ask you to hear upon our miserable plight and seek a resolution to our misery,” sabi ng AHW sa liham.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …