Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Health workers, natutulog sa saping karton (Benepisyo ‘di binayaran ni Duque)

SAPING karton ang tinutulugan ng health workers dahil hindi binayaran ng Department of Health (DOH) ang kanilang mga benepisyo alinsunod sa Bayanihan 2 at tatlong taon na nilang hindi natatanggap ang Performance Based Bonus (PBB).

Inilahad ito ng Alliance of Health Workers (AHW) sa liham kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Robert Mendoza, AHW national president, desmayado ang kanilang mga miyembro sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, San Lazaro Hospital, at National Center for Mental Health nang mabatid na ang pondong nakalaan para sa kanilang meals, transportation, at accommodation allowances ay ibinalik ng management ng mga nasabing ospital sa utos ni Duque nang hindi ikinonsulta sa health workers bilang benepi­saryo.

Nagdusa aniya nang husto ang maraming health workers sa pagsauli ng pondo gaya sa Fabella hospital na ang mga manggagawang pag­ka­­lusugan na suma­sailalim sa quarantine dahil sa exposure sa CoVid-19 ay kinakapos sa pagkain, kulang ang mga kama kaya’t ilan sa kanila’y natutulog gamit ang mga karton bilang sapin sa baldosa sa isolation facility ng pagamutan.

“Sadly, upon returning the said funds, many health workers suffered, just like in Fabella Hospital, health workers who are undergoing quarantine due to covid exposure are experiencing inadequate meals and inadequate beds so some health workers use cardboard boxes as their beds in the isolation facility by the hospital,” sabi sa liham.

Muling hiniling ng AHW kay Duque na kagyat na ibigay ang kanilang mga benepisyo tulad ng meal, transportation, at accommodation allowance batay sa nakasaad sa Bayanihan Law 2 o Republic Act 11494 at ang long overdue benefits na Performance Based Bonus mula 2018 hanggang 2020.

Alinsunod sa Bayanihan 2, ang mga nasabing benepisyo ay dapat ibigay bilang pagkilala sa ambag ng health workers sa paglaban sa CoVid-19 pandemic.

“These benefits are to be given as “recognition to the contribution of health workers in the mitigation of COVID-19 pandemic.” And to quote Sec. 4 (1) “Provision of life insurance, accommodation, transportation and meals to all public and private health workers during the state of national emergency as declared by the President, regardless of the community quarantine (CQ) status.”

Noong Disyembre 2020, naglunsad ang AHW ng serye ng protesta at dialogue sa tanggapan ni Duque kaugnay sa mga naturang benepisyo at naulit ito noong 5 Pebrero 2021 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinatu­tupad.

“We urge that these benefits must be given immediately to all GOCC and other health workers who have not received it yet, because it is supposedly a reimbursement of what we spent on food, transportation and accommodation last Septembre 1 to December 31, 2020.”

Ganito rin ang kara­nasan ng health workers sa Philippine General Hospital (PGH) at local government units (LGUs) na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ang kanilang Special Risk Allowance (SRA).

Giit ng AHW, ginagampanan nila ang kanilang papel at nag-aambag sa maayos na pagbibigay ng public health service sa panahon ng pandemya kahit pinalawig pa ang kanilang oras ng trabaho.

“What else do we need to prove in order to get this much needed benefits? Thus, claiming for these benefits is just and right.”

Naniniwala ang AHW na bilang pinuno ng DOH, may kapangyari­han at responsibilidad si Duque na tiyaking lahat ng mga benepisyo ay natatanggap agad ng health workers.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …