Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

Andi may karapatang tumangging makipag-selfie

NAGSIMULA lang ang kuwento nang may isang lalaking bakasyonista sa Siargao na nagsabing dalawang beses siyang nag-request na makapagpakuha ng picture na kasama si Andi Eigenmann at dalawang ulit din siyang tinanggihan niyon. Nagpunta pa naman sila sa Siargao tapos ganoon ang aabutin nila.

Sinagot ni Andi na punompuno ng diplomasiya ang sinabing iyon ng lalaki. Ang sabi ni Andi, dapat naman sana ay unawain na tao rin silang sa araw-araw ay may hinaharap na responsibilidad kaya kung minsan ay nagmamadali rin sa kanilang mga lakad. Kung hindi naman siya nagmamadali ay pinagbibigyan niya iyang mga ganyang pakiusap.

“Minsan halos maghapon pa nga ang pakikipag-selfie.” sabi ni Andi.

Iyon ay sa kabila nga ng katotohanan na siya ay isa nang private person, dahil lubusan na niyang tinalikuran ang showbusiness noon pang 2017. Iyon nga rin ang dahilan kung bakit pinili na niyang manirahan sa Siargao para makaiwas na nga rin sa limelight.

Gayunman, sinasabi nga niyang nauunawaan pa rin naman niya na paminsan-minsan ay may napapasyal doong fans na kailangan pa rin niyang pakiharapan.

Pero ano ba ang tamang katuwiran? Ang mga artista kagaya ni Andi ay “public property” lamang sa oras na sila ay humaharap na sa publiko, o may mga show. Kahit na sila ay artista kung sila ay nasa loob ng kanilang tahanan, o kahit na sa labas basta hindi isang public function, may karapatan sila sa basic privacy. Halimbawa sila ay namimili sa isang supermarket, may gustong makipag-selfie at ayaw nila, karapatan nila iyon.

Kung sila ay may pribadong function, halimbawa ay kumakain sa isang restaurant, maaari nilang tanggihan ang makipag-selfie. Hindi maikakatuwiran ng kahit na sino na, ”nagpunta pa naman kami roon tapos ganoon lang.”

Halimbawa, ang bakasyonistang nagpunta sa Siargao ay dumayo roon para magbakasyon. Hindi naman masasabing nagpunta lang siya roon para makipag-picture taking kay Andi. Hindi rin naman sila gumawa ng kasunduan na kung sakali at makita nila si Andi sa kanilang pagpunta roon ay kailangan iyong makipag-selfie sa kanila. Kung ganoon kasi maaari silang magreklamo. Kung hindi, ano nga ba ang inirereklamo nila?

Unawain natin na ang ating mga artista, gaya rin naman ng kahit na sino sa atin ay may karapatan din sa basic privacy na tinatawag.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …