Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun dead

Bangladeshi national itinumba sa RTW stall

BINARIL at napatay ang isang Bangladeshi national ng isang hindi kilalang suspek sa loob ng mall sa Pasay City, kahapon.

Binawian ng buhay nang idating sa San Juan De Dios Hospital ang biktima na kinilalang si Abu Taher, 52 anyos, may asawa, negosyante, residente sa Apollo 10, Barangay 188, Zone 20, San Gregorio Village, Pasay City, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa inisyal na ulat ni Pasay City Police chief, P/Col. Cesar Paday-os, nangyari ang pamamaril sa dayuhang biktima sa loob ng Baclaran Terminal 1 Complex, LRTA 1 Shopping Mall, Taft Avenue Extension, sa nasabing lungsod, dakong 11:00 am kahapon, Huwebes, 25 Marso.

Sa pagsisiyasat nabatid na ang biktima ay kasalukuyang nasa kanyang RTW stall nang biglang sumulpot ang suspek na agad siyang pinagbabaril.

Nang makitang duguang bumulagta ang biktima dali-daling tumakas ang suspek.

Kaagad na dinala ang biktima sa nabanggit na ospital ngunit binawian ng buhay kalaunan, dakong 12:45 pm.

Patuloy ang isina­sagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …