Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roque positibo sa CoVid-19

NAGPOSITIBO si Presidential Spokesman Harry Roque sa coronavirus disease (CoVid-19).

Inamin ito ni Roque kahapon sa virtual Palace press briefing.

Sinabi niya, 11:29 am kahapon nang matanggap niya ang resulta pero dahil nasa kanyang opisina na siya ay nagpasya siyang ituloy ang virtual press briefing ngunit mag-isa na lamang siya sa kanyang silid.

Dalawang beses umano siyang sumailalim sa RT-PCR test, una, noong 10 Marso bago ang kanyang biyahe kasama si Pangulong Rodrigo Duterte na nagnegatibo ang resulta at ang ikalawa ay noong Linggo dahil makakasama siya sa pulong ng Pangulo kagabi na nagpositibo siya.

“Iyong nagkaroon po sa akin ng close contact, I ask you po for your indulgence, pero kinakailangan po kayong mag-quarantine. Bukas po iyong magiging case bulletin ng DOH, kasama na rin po ang inyong abang lingkod because as of 11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta na positibo po ako para sa CoVid,”  ani Roque.

Gayonman, kahit wala umano siyang nararamdamang sintomas ng CoVid-19 ay mag-isolate siya ng kanyang sarili alinsunod sa protocol ng Department of Health (DOH).

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …